Lahat pala tayo nais ay Cha-cha
May 9, 2006 | 12:00am
TAMA si Charter change Advocacy Commission chair Lito Lorenzana. Sa gitna ng mainitang debate ukol sa reporma sa Konstitusyon, tila maraming tutol. Pero kung tutuusin, lahat pala tayo ay maka-Charter change.
Tinukoy ni Lorenzana ang oposisyong STOP Cha-cha, ibig sabihiy "sa tamang oras ang paraan." Tutol lang sila sa akalay paspasang Charter change, pero hindi sa laman nito, ani Lorenzana. Tinuro niya si dating senador Vicente Paterno, namuno sa economic committee ng Consultative Commission on Constitutional Amendments. "Lahat sa komite, mahigit kalahati ng 55 kasapi ng Con-Com, bumoto sa nais ni Paterno na pagbura sa restrictive economic provisions," ani Lorenzana. "May commissioners na nag-sponsor ng economic liberalization, pero kumokontra ngayon sa Cha-cha dahil ayaw nila sa parliamentary form o federal structure."
Klinaro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi sila kontra sa Cha-cha mismo, kundi sa animoy apurahang pagpasa nito, dagdag ni Lorenzana. "Pati si El Shaddai leader Mike Velarde ayaw lang sa peoples initiative, pero gustoy constituent assembly ng Kongreso para isulong ang nais niyang parliamentary."
Lumalaki ang suporta sa reporma sa ekonomiya at pulitika. "Sumali na ang born-again Christian churches, Trade Union Congress of the Phils., at malalaking grupo ng negosyante," ani Lorenzana. "hindi ako magugulat kung pati Makati Business Club ay sumali na rin. Kasi, mga lider sila ay kasapi nung 1999 sa Preparatory Commission on Constitutional Review. Sa bersiyon nila ng AdCom, ang Concord o Constitutional Correction for Reform and Development, sinulong din nila ang economic liberalization, pareho ng sinusulong namin ngayon."
"Kasama pa nga sa Concord noon sina Rep. Ronaldo Zamora bilang executive secretary, at Sen. Mar Roxas, bilang House majority leader," ani Lorenzana. "Pati sina Bright Boys Reps. Francis Escudero, Edmund Reyes Jr., Alan Peter Cayetano, at mga nasa oposisyon ngayon ay nasa Concord. Lahat tayo, maka-Charter change, iba-iba nga lang ang punto de bista."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended