^

PSN Opinyon

Manipulasyon ng GSIS shares?

- Al G. Pedroche -
MASAGWANG sistema ito kung totoo. Kamakailan, nataranta ang mga investors nang ipahayag ni GSIS Gen. Manager Winston Garcia ang pagbebenta sa 12.7 porsyentong stake ng GSIS sa Equitable PCIBank sa market price na P95 bawat share.

Initially, maraming investors ang kumagat sa pain. Pero naging confusing daw o nakalilito ang mga pahayag ni Garcia tungkol sa sinasabing "misteryosong" buyer ng EPCIB shares. Dahil dito, naapektuhan ang stock price at maraming investors ang nalugi.

Nasususpetsa ngayon ang marami na malamang "nilalaro" ni Garcia, sa pamamagitan ng PR blitz ang stockmarket. Anang isang stockmarket analyst mukhang tiwali ang sistema ni Garcia. Isang uri ng "pump and dump" na pagmamanipula sa presyo ng stocks. Ibig sabihin, paaasahin ang tao tapos biglang ibabagsak kapag kumagat sa pain.

Malinaw na paglabag ito sa mga alituntunin ng Securities and Exchange Commission at Philippine Stock Exchange. Kaya naman brinaso na ng SEC si Garcia at pilit ipinatukoy kung sino ang sinasabi niyang "mystery buyer."

Nakorner ata si Garcia at sinabing ang buyer ay walang iba kundi ang Banco de Oro (BDO) pero marami ang nagdududa sa tinuran ng GSIS top-honcho.

May mga naniniwala na isang "big fish" o malaking personalidad ang nasa likod ng bentahan ng GSIS shares sa PCIB. Isang personalidad na kaduda-duda ang reputasyon dahil kilala sa mga katiwalian at sinasabing may kaugnayan sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos. Sino kaya ito?

Reaction or other views?

Email me at [email protected].

ANANG

DAHIL

FERDINAND MARCOS

GARCIA

IBIG

ISANG

MANAGER WINSTON GARCIA

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with