^

PSN Opinyon

Tingnan ang kalagayan ng San Agustin Elem. School sa Gerona, Tarlac

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGTUNGO ang grupo ng Damayan Foundation sa Bgy. San Agustin, Gerona, Tarlac noong April 21 upang tingnan ang kalagayan ng naturang paaralan. At namangha ang aming grupo nang makita ang kalagayan ng mga gusali ng San Agustin Elementary School.

Ang San Agustin Elementary School ay may kabuuang 170 estudyante sa ilalim ng pangangasiwa ni Principal Demetria P. Antonio at mga guro na sina Yolanda G. Iglesia, Grade 1; May I. Asio, II; Ma. Theresa N. Mendoza, III; Godiva F. Romeo, IV; Gina T. Fajardo, V at Diana T. Iglesia VI. Sila ang matiyagang nagpapastol sa mga estudyate sa mala-disyertong paaralan. He-he-he! Get n’yo mga suki?

Mga giba na ang mga frame at basag-basag ang mga salamin ng mga bintana ng halos lahat ng silid aralan. Mga tungkab na ang mga kisame dala ng kalumaan kung kaya pinamahayan na ng mga anay. Sira-sira na rin ang mga upuan sa loob ng mga silid at maging ang loob at labas ng mga naturang silid aralan ay mga kupas na ang pintura.

Nangangamoy na rin ang mga kubeta dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig mula nang masira umano ang deep well kung kaya napipilitan na lamang ang mga estudyante na umihi sa madamong lugar.

Wala na ring mga halaman na tumutubo sa buong kapaligiran ng naturang paaralan dahil sa mga kambing, kalabaw at baka na nanginginain at gumiba ng mga bakod. Walang sapat na libro ang mga mag-aaral kung kaya’t karamihan sa mga ito ay naghihiraman na lamang sa mga sira-sirang librong nakayanan ng paaralan. He-he-he!

Ang lahat ng aming nakita ay agad naming ipinarating kay Mr. Miguel Go Belmonte ang kasalukuyang over-all chairman ng Damayan Foundation. Para sa kaalaman n’yo mga suki! Ang Damayan Foundation ay itinatag ni yumaong Betty Go Belmonte ang tinaguriang ina ng mga pahayagang Pilipino Star NGAYON, The Philippine STAR at PangMasa (PM) upang tumulong sa mga nabiktima ng kalamidad, mga maysakit at kapansanan na walang kakayahang magpagamot o bumili ng gamot at sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga karagdagang silid-aralan at library.

Kung kaya sa hinaharap ang lahat ng karaingan ng San Agustin Elementary School ay matutugunan na sa pamamagitan ng Damayan Foundation sa ilalim ng proyektong "Adopt a School Program" na sa kasalukuyang inihahanda na ng aming grupo.

Sa Biyernes, Mayo 5 ay muling babalik ang aming grupo at kami ay nananawagan sa lahat ng magulang at maging kay Bgy. Chairman Fortunato Romeo na dumalo sa napaka-mahalagang pulong upang maisakatuparan na ang proyekto.

Ito kasing campus ng San Agustin Elementary School ay naging tambayan ng mga teenagers kung kaya’t kapansin-pansin na ang mga bubungan nito at puno ng mga tipak ng bato at marahil sila rin ang may kagagawan ng mga kasiraan ng naturang paaralan.

Tinatawagan ko si Bgy. Chairman Romeo na gumawa ng agarang aksyon upang mapangalagaan ang naturang paaralan. Isama mo na ang pagtaboy sa mga hayop na nanginginain ng mga tanim ng mga teachers at estudyante, he-he-he!

ANG DAMAYAN FOUNDATION

ANG SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

BETTY GO BELMONTE

BGY

CHAIRMAN FORTUNATO ROMEO

CHAIRMAN ROMEO

DAMAYAN FOUNDATION

DIANA T

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with