^

PSN Opinyon

Taga-gobyerno ang malakas lumaklak ng gasolina

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Tungkol sa problema ng gasolina ang paksang pinag-usapan namin ng isang grupo ng mga negosyante at journalists. Naniniwala rin sila na ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-kawawang bansa kapag naging taghirap sa gasolina. Wala tayong langis na hindi katulad ng Indonesia, Malaysia at iba pang bansa sa Asia.

May napabalitang may oil reserve sa Pilipinas subalit hindi sigurado kung ito ay may katotohanan. Sa ngayon, walang basehan na sabihing mayroong pagkukunan ng langis ang Pilipinas. Mas malamang na sabihing nakadepende ang Pilipinas sa supply ng langis sa Middle East.

Nakapagtataka kung bakit bumibili pa ng langis sa Middle East at sa ibang bansa ang US samantalang mayroon palang sariling langis ito. Wise talaga ang US. Mas magaling para sa kanila ang bumili sa labas kaysa gamitin ang sariling supply. Nire-reserve nila sa kinabukasan ang kanilang langis kapag nagkaubusan na.

Sinasabi ng mga political at economic analysts na kaya pilit na kinukuha ng US ang Iraq ay dahil sa langis. Ganyan kagaling ang isip ng mga Kano.

Pinag-iisipan pa rin ng mga Kano kung papaano sila makapagtitipid sa paggamit ng gasolina. Mayroon silang ipalalabas na mga programa upang harapin ang problemang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pa.

vuukle comment

GANYAN

KANO

LANGIS

MAYROON

MIDDLE EAST

NAKAPAGTATAKA

NANINIWALA

NIRE

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with