^

PSN Opinyon

Palanca Awards

- Al G. Pedroche -
UPPS, yung mga balak sumali sa ika-56 na Carlos Palanca Awards for literature, bukas na nang gabi ang deadline sa paghaharap ng entries. Nakatutuwa. Sa harap ng kakulangan ng pagkilala sa mga manunulat na Pilipino, mayroong isang institusyong tulad ng Palanca na sa mahigit limang dekada ay nagpaparangal sa mga magagaling nating manunulat. Magandang insentibo yan. Literary writers are artists and there’s nothing as best as recognizing their creations.

Sa ibang bansa gaya ng Amerika at Britanya, hindi lamang recognition ang naigagawad sa mga manunulat kundi oportunidad para yumaman at sumikat sa buong daigdig. Wala pa yata tayo sa ganyang estado pero umaasa ako’ng darating tayo riyan. Tingnan n’yo na lang ang ibinigay na pandaigdig na katanyagan at kayamanan sa may likha ng librong Harry Potter, isang istoryang hangga ngayo’y hindi ko talaga ma-appreciate, I’m sorry to say that. Dito sa atin, maraming manunulat na ang mga akda’y makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa at paglinang ng kultura kung masusuportahan, hindi lamang sa pamamagitan ng pagkilala kundi ng promosyon ng kanilang mga obra. Sana’y may ibang institusyon pa, bukod sa ating pamahalaan na susuporta sa ganyang layunin ng Palanca.

Siyangan pala, lahat ng mga entry ay dapat matanggap ng secretariat bago maghatinggabi bukas, Abril 30. Ang mga entry na nagawaran na ng award sa ibang kategorya bago ang naturang deadline ay di na kuwalipikadong isali. Ang mga kategoryang paglalabanan sa English at Filipino Divisions ay futuristic fiction, kabataan essay, short story for children, essay, poetry, one-act play at full length play. Ang short story category ay bukas sa English, Filipino at regional tongues gaya ng Hiligaynon, Iluko at Cebuano. Ang mga kategoryang screenplay at teleplay ay bukas lamang sa Fili-pino Division. Sali na. Ipadala nang personal o sa pamamagitan ng courier ang mga entry sa Carlos Palanca Foundation, 6th flr. CPJ bldg. 105 C. Palanca Sr. St. Legaspi Village, Makati City. Ubra ding magpa- dala sa e-mail at dapat matanggap bago hatinggabi ng Abril 30, 2006. Kailangan na ang mga entry ay nasa RTF o Rich Text Format o Word Document file at dapat ipadala bilang attachment kasama ang biodata ng may-akda at orihinal na kopya ng notarisadong authorization form.

Ang e-mail address ay [email protected]. Sa ibang impormasyon tumawag sa 8183681 local 31.

ABRIL

CARLOS PALANCA AWARDS

CARLOS PALANCA FOUNDATION

FILIPINO DIVISIONS

HARRY POTTER

MAKATI CITY

PALANCA

PALANCA SR. ST. LEGASPI VILLAGE

RICH TEXT FORMAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with