May kasalanan din ang media
April 21, 2006 | 12:00am
TALAGA bang hindi na titigil ang kaliwat kanang bangayang-pulitika? Kalilipas lang ng Semana Santa, pero hayan na naman ang ating mga pinuno: Nagpapatutsadahan, nag-iinsultuhan, nagsisigawan. Sa masamang ehemplo nila, itinuturo nila na maging ganun din ang taumbayan: Pala-away, pala-sigaw, pala-insulto.
Maraming pumapansin na kaya ganyan ang mga politiko natin ay dahil pinapatulan sila ng media, lalo na ng telebisyon. Hangad kasi ng kahit sinong pulitiko na sumikat sa publiko. Kailangan ito para maalala sila sa susunod na eleksiyon. At ang mainam na paraan dito ay maging laman ng balita.
Paano ka mapapabalita kung ang mga kalaban mo sa maikling air time ay malalaking krimen o mga huling gimmick ng mga artista? Simple: Bumanat ka sa kapwa-pulitiko, mas mataas ang puwesto at mas matindi ang banat, mas malamang na ma-cover ng telebisyon.
Kaya hayan, lahat na lang ng posibleng isyu, pinupulot ng pulitiko para ipukol sa kapartido o kalaban. Kahit anong paratang, iniimbento, para lang makasama sa six-oclock news. Nakatutulig na.
Siguro, ugaling Latino nga tayo, dala ng pagiging tuwirang kolonya natin ng Espanya at sa pamamagitan ng Mexico nang halos 400 taon. Kasi, ang pulitika sa Espanyat Mexico ay parang sa Pilipinas: Pasiklaban at bangayan din araw-araw sa TV.
Ang kaibahan lang natin sa dalawang bansa, nagsawa na sila sa style-bulok. Ang Espanya nung 2003 ay naglatag ng regulasyon laban sa mga bastos na programa at balita. Kasi naman, ang mga pulitiko nila, nag-ge-guest sa walang kapararakang talk shows para pagtsismisan ang sarili, pati ang haba ng ari ng lalaki o ilan na ang nakatalik ng babae.
Sa Mexico nito lang nakaraang buwan, nirepaso rin ang paggamit ng mga pulitiko sa balitang telebisyon para magpapogi lang miski wala namang nagagawa. Ginawa ito ng administrasyon at oposisyon para maging patas ang labanan sa eleksiyon nila sa 2007.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended