^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailangan ang paglilinis at pagbabago sa Comelec

-
MASYADO nang nadungisan ang Commission on Elections (Comelec). Sa tindi ng dungis ay nawalan na ng kredibilidad. At kapag ang isang organisasyon ay nawalan na ng kredibilidad ano pa ang aasahan? Wala na. Nararapat ang pagbabago at total na paglilinis. At ang pagbabago ay matatamo lamang kung ang mga nakaupo sa Comelec ay magsisipagbitiw.

Marami ang naghahangad na magkaroon ng pagbabago sa Comelec makaraan ang kontrobersiyang "Hello Garci". Ang kontrobersiyal na usapan sa pagitan ni President Arrroyo at Comelec official ang nagkulapol pang lalo ng putik. Nag-sorry si Mrs. Arroyo pero sinabing wala siyang nagawang pagkakamali. Kahit naman hindi niya sinabi kung sino ang kausap na Comelec official sa telepono, marami ang naghihinala na iyon si Comm. Virgilio Garcillano. Ayaw mamatay ang isyu sa "Hello Garci".

Pero bago pa ang "Hello Garci" nangalingasaw na ang Comelec dahil sa maanomalyang kontrata ng Mega-Pacific dahil sa pagbili ng mga automated counting machines (ACMs). Ang mahigit 200 unit ng ACMs ay nagkakahalaga ng P1.3 bilyon at nakatakda sanang gamitin noong 2004 elections. Pero malaking pagkadismaya ang nangyari sapagkat palpak ang mga data ng ACMs nang testingin. Hindi natuloy ang computerization ng elections noong 2004. Balik sa manu-manong pagbilang na naging dahilan para sumingaw nga ang malawakang dayaan.

Ang mga commissioners na pumirma para sa kontrata ng Mega-Pacific ay nagsipag-retiro na. Iilan na lamang ang mga commissioners na natitira. Wala namang ginagawang hakbang ang Ombudsman hinggil sa isinampang kaso laban sa mga nagretirong commissioners.

Bukod pa sa isyu ng maanomalyang kontrata sa computerization, binabatikos din ang Comelec sa bagal ng pag-aksiyon sa mga electoral protests. Matatapos na ang termino ng legal na nanalong kandidato ay hindi pa madesisyunan ang kasong isinampa. Maraming ganyan sa mga kandidato. Ngayon ay nasa kontrobersiya uli ang Comelec hinggil naman sa mga kinakalap na pirma para matuloy ang Charter change.

Nang magsalita si dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide kamakalawa, na kailangan nang magkaroon ng revamp sa Comelec, tila marami ang nakahinga. Ito na nga ang kailangan para mabago ang maruming Comelec.

COMELEC

HELLO GARCI

MEGA-PACIFIC

MRS. ARROYO

PERO

PRESIDENT ARRROYO

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

VIRGILIO GARCILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with