^

PSN Opinyon

Kalentong, perwisyo sa traffic

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
GRABE as in grabe ang traffic sa Kalentong St., Mandaluyong City. Wala pa rin pala itong pagbabago kahit siyudad na. Naalis lang ang punto ng mga tao kapag nagsasalita sila. Ika nga, matatas nang managalog.

Kabilang kasi ang Mandaluyong sa Rizal province noong araw at natira rin sa Kalentong ang Chief Kuwago noong bata pa ako.

Sa tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang dehins na nagbabaha sa Kalentong noon kasi halos hanggang baywang ang tubig-baha dito kapag may malakas na storm. Sementado at tumaas ang kalye kaya siguro ganoon.

Thank you sa mga dating government officials todits at medyo gumanda ang Kalentong St. Pero ang observation ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Kalentong St. ay halos wala pa ring discipline ang ilang kamote todits kahit siyudad na toits. Malala pa rin ang traffic katulad pa rin noong araw.

Noon kasi, maliit pa ang kalye sa Kalentong pero ngayong medyo lumaki nang kaunti at gumanda pa ito kaya lang alaws pa ring disiplina ang mga drivers todits. Nakabalandra ang mga pampasaherong dyipni from Kalentong St. corner Shaw Boulevard hanggang sa paanan ng Lambingan Bridge. Wala silang pakialam sa ibang motoristang dumadaan dito.

Terible pa rin ang gitgitan sa may Gabby’s dahil sa mga buwayang driver ng dyipni. Sabi nga, wala sa ayos!

Sa magkabilang bangketa nakaparada ang mga sasakyan todits, partikular ang mga pampasaherong dyipni. May ginagawa ba ang mga traffic enforcers tungkol sa sistema ng trapiko sa kahabaan ng Kalentong St.? Ano kaya ang masasabi ni Mandaluyong City Mayor Boyet Gonzales todits?

National road kasi ang Kalentong St., lahat ng sasakyan na gustong magpunta ng Manila alternate route ang nasabing lugar at lahat naman ng sasakyan na gustong magpunta sa San Juan, Sta. Mesa o Pasig puwede ring magdaan todits. May nabago ba sa Kalentong St.?

Sa nakita ng mga kuwago ng ORA MISMO, may pagbabago namang nangyari todits dahil nagkaroon ng mall, air-conditioned movie houses, dumami ang pawnshop, gumanda ang mga kabahayan. Ika nga, ’yon lang!

"Sana huwag magalit sa mga kuwago ng ORA MISMO ang ilang mga tinamaan sa kuwento natin," anang kuwagong sabungero.

"Ang tamaan ay huwag magalit!" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"May ginagawa ba ang mga traffic enforcers sa Kalentong St.?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan ang itanong natin sa mga dumadaan sa Kalentong, kamote."

CHIEF KUWAGO

IKA

KALENTONG

KALENTONG ST.

KALENTONG ST. PERO

LAMBINGAN BRIDGE

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MAYOR BOYET GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with