^

PSN Opinyon

Ang tamang proseso

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SINA Mercy at Mario ay empleyado ng isang multinational pharmaceutical company na pinagagamit ng company car. Nang magkaroon ng certification election upang alamin kung ang NEW-DFA ay magiging collective bargaining agent ng mga empleyado, natalo ang nasabing union. Sila rin ay mga opisyales ng kanilang union (NEW-DFA).

Nagkataon naman na nabigyan ng prayoridad ang mga empleyadong may magandang sales performance sa paggamit ng mga kotse ng kompanya. Sa ilalim ng policy na ito, ang kotseng naka-assign kina Mercy at Mario ay binabawi upang ipagamit sa iba. Kaya pinadalhan ng memorandum si Mercy upang ipaalam sa kanya na kinakailangan niyang ibalik ang sasakyan sa kompanya. Hindi pumayag si Mercy at humingi siya ng konsiderasyon sa kompanya. Nagpetisyon ang kanyang abogado ngunit hindi rin pumayag ang kompanya kaya nagpadala muli ng memorandum na kailangan niyang isauli ang sasakyan sa December 7, 1990. Kinabukasan, nagsumamo uli si Mercy na isuspinde ang pagbawi ng kotse. Noong December 17, 1990, nagpadala muli ng final warning sa kanya na kung hindi niya ibabalik ang kotse, siya ay kakasuhan ng paglabag sa utos at maaari siyang tanggalin sa trabaho. Dahil sa madiing pagtanggi na ibalik ang sasakyan, tinanggal si Mercy sa trabaho. Si Mario ay tinanggal din sa trabaho noong December 5, 1990 dahil sa hindi niya pagsunod sa mga abiso na pinadala ng kompanya. Nang humingi siya at ang kanyang abogado ng konsiderasyon, sinuspinde na lamang siya ng 30 araw.

Ganoon pa man, nagsampa pa rin sina Mercy at Mario ng illegal dismissal at illegal suspension laban sa kompanya. Anila, hindi sumunod ang kompanya sa tamang proseso ayon sa Labor Code. Sinabi nilang hindi sila binigyan ng "two-notice requirement" at hindi dumaan sa tamang proseso o imbestigasyon upang ma-depensahan nila ang kanilang mga sarili. Tama ba sila?

MALI.
May legal na basehan ang pagtanggal kay Mercy at pagsuspinde naman kay Mario sa trabaho ayon sa Article 282 ng Labor Code. Kapag ang pagtanggal sa empleyado ay may legal na basehan, kinakailangang magbigay ang kompanya ng (1) dalawang abiso at (2) imbestigasyon o oportunidad para dinggin ang paliwanag ng empleyado. Sa kasong ito, halos tatlong memorandum na ang naipadala kina Mercy at Mario na tulad na rin ng unang hakbang sa tamang prosesong pagtanggal o pagsuspinde sa trabaho. Nakasaad dito na kung hindi nila isasauli ang sasakyan, maaari silang kasuhan ng insubordination. Sa ganitong paraan, nabigyan sila ng pagkakataong ipaliwanag ang kanilang mga aksyon at humingi pa nga sila ng konsiderasyon sa kompanya na huwag na munang bawiin ang sasakyan. Hindi naman kailangan na aktwal na pagdinig sa kanilang kaso. Tama na binigyan sila ng sapat na pagkakataon na marinig at maipaliwanag ang kanilang panig. Malinaw na nasabihan na sila sa mga magiging kahahantungan ng kanilang mga aksyon. (Glaxo Wellcome etc. vs. Nagkakaisang Empleyado ng Wellcome, G.R. 149349, March 11, 2005. 453 SCRA 256).

GLAXO WELLCOME

KOMPANYA

LABOR CODE

MARIO

MERCY

NAGKAKAISANG EMPLEYADO

NANG

NOONG DECEMBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with