Pag-abuso ng kabaitan
April 6, 2006 | 12:00am
HANAPBUHAY ng mag-asawang Ryan at Malou ang pagpapautang sa mga nagtitinda sa palengke. Minsan naipakilala sila ng isang suki kay Eva na nagpanggap na asawa ni Choy na naghahanap ng bibili ng lote nito. Makalipas ang dalawang araw, humarap sa mag-asawang Ryan at Malou si Choy, naka-uniporme at nagpanggap na isang koronel. Humanga at agad na nagtiwala ang mag-asawa kay Choy kaya pumayag silang bilhin ang lote sa halagang P300,000. Pagkabayad ni Malou ay iniabot sa kanya ni Choy ang TCT, tax declaration, tax receipt at iba pang dokumento.
Naging malapit ang mag-asawang Ryan at Malou kina Eva at Choy. Minsan inalok ni Eva si Malou na pumasok sa negosyong buy and sell ng mga aparato subalit sa huli ay si Malou rin ang nagbayad sa lahat na aparato. Bukod dito ay natuklasan din ni Malou mula sa NBI minsan nang tinangkang ipagbili ni Eva ang kanilang jeep.
Hindi nagtagal ay nairehistro rin nina Ryan at Malou ang lote. Subalit muli silang naloko ng isang real estate agent nang magbayad sila ng P20,000 para sa bago nilang titulo. Sa katunayan, pekeng deed of sale ang ginamit ng nasabing real estate agent kung saan P1,000 lamang ang ibinayad sa capital gains tax upang ang bagong titulo ay maipangalan sa kanila. Samantala, nabigla sila nang maghain sina Choy at Eva ng kasong Estafa through Falsification of Public Document laban sa kanila. Ayon kina Choy at Eva, niloko at ninakaw daw nila ang TCT ng nasabing lote. Iginiit pa na ang deed of sale na inirehistro nina Ryan at Eva ay palsipikado.
Matapos ang paglilitis, napatunayan ng Regional Trial Court (RTC) na sina Choy at Eva ang nandaya. Kaya, napawalang-sala sina Ryan at Malou samantalang naatasan naman sina Choy at Eva na isang testigo, na magbayad ng P300,000 bilang halaga ng biniling lote, P50,000 na bayad-pinsala at P40,000 na attorneys fees. Ang desisyong ito ng RTC ay kinumpirma ng Court of Appeals (CA). Tama ba ang RTC at CA?
TAMA. Ginamit ni Choy at Eva ang posisyon at talino upang gamitin ang naipong pera ng mag-asawang Ryan at Malou at abusuhin pati na ang pakikitungo at kabaitan sa kanila nito. Nasikmura nilang baliktarin ang katotohanan nang abusuhin nila ang legal na proseso.
Samantala, hindi maaaring atasan ng RTC si Choy at ang testigo nitong si Eva, sa isang kasong kriminal, na ibalik kina Ryan at Malou ang P300,000 pati na ang pagbabayad ng pinsalang natamo ng mga ito. Saklaw lamang ng korte na tukuyin ang pagkakasala at ang sibil na pananagutan ng isang akusado. Hindi angkop sa isang kasong kriminal ang paggawad ng sibil na obligasyon ng nagreklamo (Choy). Nagkamali rin ang RTC nang pati si Lita na isang testigo lamang at hindi akusado sa kaso ay managot kasama ni Choy.
Kaya, ang desisyon ng RTC na kinumpirma ng CA ay binago sa pamamagitan ng pagtanggal ng paggawad ng halagang P300,000 (Maccay vs. Nobela, G.R. 145823, March 31, 2005, 454 SCRA 504).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended