Ginagawa lahat kontra reporma
April 4, 2006 | 12:00am
KUNG gusto, magagawan ng paraan; kung ayaw, tiyak hahadlangan. Yan ang asal ng Senado sa Charter Change. Hindi sasali ang mga senador sa constituent assembly dahil sa kabang mawalan ng poder kapag nag-switch ng presidential tungong parliamentary form. Sinisiraan nila ang peoples initiative kesyo sinusuhulan daw ng perang jueteng para maudlot. Iginigiit nila ang mabagal at magastos na constitutional convention para hindi matuloy ang reporma; kumbaga, paaasahin ang taumbayan sa wala.
Malinaw na hindi na umuubra ang sistemang ekonomiya. Labing-siyam na taon na ang Konstitusyon na naglalayong burahin ang kahirapan, pero lalo lang lumalaganap. Mas mabilis dumami ang tao kaysa pag-unlad ng kabuhayan. Bunsod ito ng laman ng National Economy and Patrimony (Art. XII) at ng General Provisions (Art. XVI) na naglilimita sa Pilipino ng pagmimina o pag-aari ng lupa, utilities, media at advertising. Kapos ang mga Pilipino sa kapital at teknolohiya, pero binabarahan ng Konstitusyon ang pagpasok ng dayuhan.
Kung paluwagin ang ekonomiya, papasok ang dayuhang puhunan, dadami ang trabaho, at sisigla ang mga lokal na suppliers. Kung mangyari yan, dapat din lang palitan ang sistemang pulitika para protektahan ang bagong sistemang ekonomiya.
Ayaw ng mga senador ito. Pinoprotektahan nila ang oligarkiya na may-ari ng mga malalaki pero palubog nang industriya. Kung ireporma ang ekonomiya, mawawalan sila ng patron. Pinoprotektahan din nila ang sariling interes. Kung maging unicameral parliament, hindi na sila 24 na elite, kundi mga ordinaryong ministers of parliament na lang tulad ng mga kongresista. Ang pork barrel nila, P70 milyon na lang kada taon imbis na P200 milyon.
Pero tama ba ang paghadlang nila sa reporma? Makatarungan ba na 23 senador lang ay pananatilihing mahirap ang 40 milyong botante at 82 milyong Pilipino? Ang sagot sa dalawang tanong ay dumaragundong na "hindi". Huwag tayong pasukob habambuhay sa 23 elitista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended