^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Shabarko’

-
MAYROON nang "shabu tiangge", "shabu pharmacy", "shabu mall" at ngayon ay "shabarko" o sa madaling salita ay shabu na ginagawa sa barko. Ang huli ang itinuturing na mahirap matiktikan ayon sa Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF). Ginagawa ang shabu sa barko o mga yate na lulutang-lutang sa laot. Sabi ni AIDSOTF Director Marcelo Ele, kung nakagagawa ng shabu sa katihan, maaari rin nilang gumawa sa karagatan. Ayon pa kay Ele, nag-shift sa paggawa ng shabu sa karagatan ang mga sindikato ng shabu makaraan ang sunud-sunod na pagsalakay sa kanilang laboratories sa mga nakaraang linggo. Ang AIDSOTF ni Ele ang nagwasak sa "shabu tiangge" sa Pasig City. Tatlong taon na umanong nag-ooperate ang "shabu tiangge" subalit ngayong taon lang ito nawasak. Ang "tiangge" ay abot-tanaw lamang mula sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio at ilang hakbang naman ang layo sa Police Community Precinct. Sinibak ang mga pulis sa PCP at pinag-retraining. Ilang araw makaraang matuklasan ang "tiangge" pinagiba ni Eusebio ang mga barungbarong doon na nagsisilbing batakan ng shabu. Binatikos si Eusebio sapagkat nasira ang mga ebidensiya.

Sunud-sunod nga ang ginawang pagsalakay sa mga komunidad ng shabu makaraang "shabu tiangge" raid. Para bang namulat ang mga awtori-dad sa ginawa ng AIDSOTF. Ang tanong namin, hanggang kailan ang pagsalakay sa tinawag naming mga "shabulandia".

Ang nakapangangamba ay ang "shabarko" na ngayon ay bagong estilo ng sindikato. Mukhang mahihirapan ang mga awtoridad na matiktikan ang mga "chemist ng shabu" kapag sa laot na niluto ang shabu. At kung makasampa man ang mga awtoridad sa barko o yate madaling maitatapon ang shabu sa dagat. Tapos na ang problema! Wala nang ebidensiya.

Panawagan ng AIDSOTF na nararapat na mapagbantay ang Philippine Coast Guard at ang Philippine Navy sa mga baybaying dagat. Ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa mga awtoridad ay nararapat sa pagkakataong ito na ang bansa ay pinamumugaran ng mga salot na drug traffickers. Maging mapagmatyag ang taumbayan lalo na ang mga nasa tabing-dagat o ang mga mangingisda mismo sakalit may mga kahina-hinalang barko o yate na nasa mga baybaying dagat. Ipagbigay alam sa mga maykapangyarihan.

DIRECTOR MARCELO ELE

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EUSEBIO

PASIG CITY

PASIG CITY MAYOR VICENTE EUSEBIO

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with