Talagang sila-sila, hindi tayo-tayo
March 28, 2006 | 12:00am
NAKITA nyo na. Sabi ko na nga ba, sa Sapol kahapon, ang laro ng mga pulitiko ay "sila-sila" na lang. Hindi "tayo-tayo," dahil labas ang taumbayan na dapat nilang pagsilbihan. Ngayon, pinatunayan lalo ito ni Sen. Ping Lacson sa interview sa ANC sa araw ng unang pagtestigo ng dating among Joseph Estrada sa kasong plunder.
Ani Lacson, alam niya noon pang PNP chief siya, 1999-2000, na ang pera ng Muslim Youth Foundation ni Erap ay galing sa jueteng. Pinayuhan pa nga raw niya si Erap na miski mabuti ang pakay ng foundation na pag-aralin ang piling kabataang Muslim, masama pa rin ang resulta dahil ilegal ang pondo.
Napaka-prangka pala ni Lacson. Kung ganun, bakit hindi niya hinabla ng bribery ang amo, gayong pinaka-mataas na pulis siya noon? Dahil ba ito sa utang-na-loob, sa ugaling sila-sila?
Dagdag pa ni Lacson, tinanggihan niya ang normal na P5-milyong buwanang payola sa PNP chief ng jueteng lords, na pinamumunuan ni Chavit Singson. Alam daw ito ni Erap, na alam din daw na ang pinalitan niyang hepe, si Roberto Lastimoso, ay tumanggap ng payola ni Singson.
Abay napakalinis pala ni Lacson. Kung ganun, bakit hindi rin niya hinabla sina Lastimoso at Singson ng bribery ngayon, gayong mahusay daw siyang imbestigador? Bakit puro daldal lang siya ngayon, gayong kaya pa niyang magsakdal ngayon?
Sa ibang isyu, ani Lacson hindi makatarungan ang pagpataw ng P5-milyong reward sa paghuli sa PMA classmate Gringo Honasan. Hindi pa convicted si Gringo sa kasong rebelyon; mga sentensiyadong nagtatago lang daw ang puwedeng patungan ng presyo sa ulo.
Abay napaka-makatarungan pala ni Lacson. Kung ganun, bakit niya pinapatay ang 11 Kuratong Baleleng nung 1995, gayong suspects lang sila sa bank robbery, at nakaposas nang ratratin? Dahil ba ito sa balak niyang nakawin ang KB loot na P52 milyon at $2 milyon sa Allied Bank armored car robbery?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended