Pulitikang sila-sila
March 27, 2006 | 12:00am
ASAL ng mga politiko ang elitismo. Pinagtatakpan nila ang isat isa, o kaya ay naglalaro ng palitan sa paghawak ng poder. Kumbaga, sila-sila na lang.
Masdan ang kilos ni Cory Aquino. Nung Presidente siya, 1986-1992, walong ulit siyang tinangkang pabagsakin at patayin ni Gringo Honasan. At walang tigil ang banat sa kanya ng Marcoses na pinatalsik ng EDSA-Uno. Kinalaban din siya ng Kaliwa. At nung 2001, nagsanib sila ni Sen. Frank Drilon (dati niyang executive secretary) na litisin si Pres. Joseph Estrada at ipalit (kasama ng Kaliwa) si nooy-VP Gloria Macapagal Arroyo.
Ngayon kasama nina Cory at Drilon ang Marcoses at Kaliwa sa pagpapababa kay GMA. Hindi lang yon. Batay sa dokumentong "Final Talk" na nakuha sa flash disk ni Magdalo mutineer Lt. Lawrence San Juan, kasabwat din ng Kaliwa si Gringo sa planong kudeta kay GMA. At dalawa sa tauhan noon ni Gringo sina nooy-Kapitan Ariel Querubin at Danny Lim na sumukob sa Makati financial district nung tangkang kudeta ng Dis. 1989 kasama rin nina Cory sa pagpaplano kontra GMA. Inulat ng Time magazine na nung gabi ng Peb. 23, nagtatawagan si ngayoy Gen. Lim at ang kapatid ni Cory na Peping Cojuangco para sa mga planong protest rally kinabukasan sa ika-20 anibersaryo ng EDSA-Uno.
Nung EDSA-Dos, ayon sa retrato ng mga Kaliwang kongresista na akusado ngayon ng rebelyon, nakipagsabwatan daw sila kay GMA para pabagsakin si Erap. Kaya, dapat daw kasuhan din si GMA ng rebelyon nung 2001 tulad nila ngayon.
Ang masaklap, ang nag-akusa sa mga Kaliwang kongresista noon ng kutsabahan ay si Sen. Ping Lacson, na kasama na nila ngayon sa oust-GMA movement. Pumunta pa nga sa Washington si Lacson nung Nob. 2000, kasama ang kaklase nila ni Gringo sa PMA na si Col. Jake Malajacan, para ipresenta ang sarili na pamalit kay Erap. Ani Ping kay US Rep. Dana Rohrabacher, na binunyag ng ayudanteng Al Santoli, pababagsakin nila si Erap at pagkatapos ay uupo sa poder para pigilan si GMA na hawak na sa ilong ng mga Komunista.
Ang mga politiko nagkakampi sa isat isa para isulong ang sariling interes. Tapos, nagbabanatan sila para maagaw ang poder. Sila-sila lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended