Pagiging masunurin
March 22, 2006 | 12:00am
NASA Ikatlong Linggo na tayo ng Kuwaresma. Ang mga pagbasa sa araw na ito ay nagpapaalaala sa atin na kailangan nating maging masunurin sa kalooban ng Diyos.
Sa Aklat ng Deuteronomio (4:1,5-9) nagtagubilin si Moises sa mga Isaraelita na maging isang bayang masunurin sa mga atas ng Diyos. At sa Ebanghelyo, sinabi naman ni Jesus na siyay naparito upang ganapin ang mga Kautusan (Mateo 5:17-19).
"Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: Magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay hindi mawawalan ng bisa hanggat hindi nagaganap ang lahat. Kayat sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos. Sinasabi ko sa inyo: Kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos."
Ang isang taoy nagiging masunurin una, kapag kanyang naunawaan ang mga kadahilanan sa pagkaka- roon ng mga alituntunin, at kung bakit kailangan ang mga itoy tupdin; ikalawa, kapag may natutularan siyang tao na sumusunod at nagiging masunurin din sa mga atas at mga alituntunin. Pangatlo, kapag naging bukal sa kanyang puso na ang kanyang pagsunod ay ikaliligaya ng kanyang minamahal o di kayay taong kanyang pinagpipitaganan o iginagalang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest