20 taon ng pagpapala
March 17, 2006 | 12:00am
ANG ating pahayagang Pilipino Star NGAYON ay 20 taon na! Dalawampung taon ng pagtamo ng mga biyayat pagpapala mula sa Diyos. 20 taon nang patuloy na pag-alalay ni Betty Go-Belmonte, dito sa lupa, hanggang sa kabilang buhay.
Noong Marso 17, 1986 unang inilunsad ang Pilipino Star NGAYON (dating Ang Pilipino Ngayon). May tatlong linggo na ang nakararaan mula nang ipagdiwang ng buong mundo ang People Power ng Pilipinas, isang mapayapang pagpapalit ng gobyerno mula sa isang diktadurang rehimen. Kami nina Betty Go-Belmonte, Tess Ramiro at isa pang kaibigan ay nag-uusap-usap kung paanong lalong mailalapit ang mga balita sa mga ordinaryong mamamayan sa murang halaga. Nagnanais kami ng isang pahayagan na nagtataglay ng mga kahalagahan ng Ebanghelyo, pampamilya, may matutunan ang mga tao at talagang kakaiba sa ibang mga tabloids na nagsisilabas at dati nang namamayagpag. Nasa pananaw namin nina Betty na ang ating pahayagan ay hindi magtataglay ng larawan ng babae na halos hubad na (gaya ng ginagawa ng ibang mga tabloids). Ni hindi rin maglalagay dito ng mga resulta ng karera upang huwag mahikayat ang mga mambabasa na magsugal.
Pagkatapos ng People Power 86 (EDSA 1), ilang ulit kaming nagpulong nina Betty at Tess. Sa pananaw ni Betty, nais niyang maging gabay ang naturang pahayagan - isang tala, tulad ng Tala ng Betlehem na gumabay sa mga pantas, na gagabay sa mga Pilipino, lalo na sa mga hindi makabili ng mga pahayagang nakalimbag sa Ing-les. Kung kayat nailunsad ang pahayagan. Ang unang pangalan nga nito ay Ang Pilipino Ngayon, na sa paglipas ng panahon ay naging Pilipino Star Ngayon. At ngayon ay mas kilala bilang Pilipino Star NGAYON.
Sa pagdaan ng panahon, bagamat nagtataasan ang presyo ng papel, may kahabaang panahon ding pinanatili ng patnugutan ng ating pahayagan ang mababang halaga ng isang sipi ng Pilipino Star NGAYON, upang ito ay makayanang bilhin ng isang ordinaryong mamamayan sa abot-kayang halaga.
Sa pagdaan ng panahon, bagamat nagkaroon ng ibat ibang patnugutan sa ating pahayagan, patuloy na naisulong ni Miguel G. Belmonte, ang ating Publisher at humalili sa pangangasiwa ni Betty Go Belmonte nang ang huli ay sumakabilang-buhay na, ang mga pananaw at adhikain ng kanyang ina.
Kung titingnan natin ang nakaraang 20 taon sa buhay ng ating pahaya-gan, masasabi kong ito ay tunay na pinagpala. May mga kasabay na mga pahayagan ang Pilipino Star NGAYON na ngayoy wala na. May mga bagong sumusulpot na pahayagan sa wikang Filipino, ngunit hindi nagtatagal. Dati-ratiy nasa Kamaynilaan lang tayo. Ngayon ay nasa ibat ibang dako na tayo ng Pilipinas, ganoon din sa ibang panig ng mundo.
Malaking biyaya rin ng ating pahayagan ang mga taong nasa likod nito ang mga kawani, mga reporters, mga editors at artists, mga photographers, mga manunulat at kolumnista na lubos ang paglilingkod upang ipaabot sa mga mamamayang Pilipino ang isang pahayagang pampamilya, isang pahayagang disente at nagmamalasakit sa Pilipino. Napakalaking biyaya rin para sa ating pahayagan ang mga newsboys at mga nagtitinda ng ating pahayagan; ang mga dealers o distributors na nagpapakalat ng ating pahayagan sa ibat ibang lugar ng ating bansa at sa ibang dako ng mundo tulad ng Hong Kong at Saudi Arabia, Qatar at Italy; ang mga advertisers na tumutulong at sumusuporta sa ating pahayagan.
Higit sa lahat, hindi matatawaran ang pagi-ging biyaya ni Miguel Belmonte sa ating Pilipino Star NGAYON. Maliban sa siyay anak ni Betty, nasa kanyang personal na katauhan at mga katangian ang nilalayon at adhikain ng ating pahayagan. Siya ang instrumento ni Betty upang ang misyong naiatang ng Diyos kay Betty noon, ay maipagpatuloy magpahanggang ngayon at sa darating pang panahon.
Papuri at pasasalamat sa Diyos sa mabiyayang 20 taon ng Pilipino Star NGAYON! Maligayang bati sa ating lahat!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am