Pagkat kaarawan ng dyaryong Tagalog;
Pilipino Star NGAYON pangalang matunog
Itoy tabloid na kilala at bantog!
Tabloid nga lang ito na dyaryong maliit
Pero binabasa ng buong daigdig;
Mga nagbabasay Tagalog at Ingles
Kaya naglilinang ng puso at isip!
Lubhang dumurunong mga readers nito
Kaya umaangat tayong Pilipino;
Lenguwahey malinis kaya kahit sino
Kapag binasa na ay tumatalino!
Anibersaryo nitoy tuwing Marso 17
Kaya ang Pilantik taos ang pagbati;
Sa mga editor at mga kawaksi
Dalangin ng pitak higit pang matangi!
Anibersaryo nito sa twing sasapit
Lagi nang may tula rito sa Pilantik;
Hawak na latigo laging nakaligpit
Upang sa paglatay ay hindi masakit!
Ang PSN ngayoy lubhang naiiba
Sa maraming dyaryong lumitaw sa bansa;
Kung itoy basahin ng mayamat dukha
Masasalamin moy tapat na adhika!
Itoy hindi bastos - tunay na matapat
At ito sa bayan ay parang watawat;
Kapag binasa nat sa bayay lumantad
Ay katotohanan ang sinasagisag!
Sagisag din ito nitong sambayanan
Na laging kaisa nitong katarungan;
Pati ang gobyernoy inaalagaat
Sumusunod ito sa Inang Simbahan!