^

PSN Opinyon

Control ni Mayor Enteng Eusebio sa pulis tinanggal

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ALAWS ng kontrol sa katulisan, este mali, sa kapulisan pala si Pasig City Mayor Vicente ‘‘Enteng’’ Eusebio.

Sinuspinde ni DILG Sec. at Napolcom Chairman Ronaldo Puno ang kapangyarihan ni Mayor Enteng sa kanyang mga lespu dahil sa pagdemolish sa shabu flea market.

Aprub sa Resolution ng Napolcom Board ang pag-aalis ng kapangyarihan ni Mayor Enteng sa mga tulis, este mali, pulis pala.

Sabi nga ‘‘abuse of authority’’ ang ginawa ni Yor-me nang ipagiba ang palengke ng shabu. Take note, Gen. Marcelo S. Ele, Jr.

Sa pagkakademolish kasi sa talipapa ng shabu, nawala ang ilang vital evidence na puwedeng gamitin sana sa Korte para sa pagsasampa ng kaso laban sa maintainer ng shabu market.

Ika nga, gone with the wind ang mga evidence at maaaring ma-dismiss ang kaso dahil alaws ng ebidensiya.

Nagpa-bright bright kasi si Yor-me dahil gusto niyang ipakita na meron siyang kamay na bakal kaya winasak niya ang pinagbebentahan ng shabu.

Sabi nga, hindi raw niya kukunsintihin ang bentahan at batakan ng bo-shabs sa kanyang lugar. Ayaw kasi ni Yor-me na tawaging ‘‘shabu capital’’ ng Metro Manila ang Pasig City.

"Pero bakit tumagal ng mahigit dalawang taon bago nadiskubre ang shabu talipapa na malapit sa munisipyo?’’ tanong ng kuwagong adik na suminghot ng clorox.

‘‘Baka kasi may kata- rata ang mga mata ng lespu kaya hindi nila naki-kita ang bentahan,’’ sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘Paano ngayon na wala ng kontrol sa mga lespu si Mayor Enteng sino pa ang kanyang aasahan?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kumuha na lang siya ng mga security guards at barangay tanod kamote,’’ he-he-he!

APRUB

MARCELO S

MAYOR ENTENG

METRO MANILA

NAPOLCOM BOARD

NAPOLCOM CHAIRMAN RONALDO PUNO

PASIG CITY

PASIG CITY MAYOR VICENTE

SABI

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with