Gen. Pedro Bulaong sa NBI!
March 10, 2006 | 12:00am
ILANG buwan ng bakante ang posisyon ng yumaong dating NBI director Reynaldo Wycoco.
Dahil bakante pa rin ang posisyong ito, marami ang tahimik na nagnanais at nag-aasam-asam sa nasabing puwesto.
Isang pangalan ang pilit na pinalulutang. Maituturing na malisyosong biro ito kay Gen. Pedro Bulaong ang District Director ng Manila Police District.
Tahimik namang nagtatawanan ang ilang matataas na opisyal sa NBI. Alam nila kung sino ang nasa likod ng pagpapaikot ng balitang ito.
Kung seryosong usapan at hindi biro, ang sinumang mamumuno sa NBI ay kinakailangang alam niya ang ibig sabihin ng salitang RESPETO.
Ang respeto ay NAKAKAMIT base sa resulta. Hindi ipinagkakaloob ang respeto sa taong uupo sa puwesto bilang Director ng NBI.
Ang basehan ng respeto ay tamang kuwalipikasyon Una, kinakailangang siya ay isang matinding abogado, hindi lang basta abogado.
Kinakailangang matindi ang kanyang background sa hudikatura o kayay galing siya sa hudikatura. Kung maaari siya ay isang respetableng judge at may background sa law enforcement. Importanteng naiintindihan niya ang trabaho ng isang law enforcer at crime busting.
Tahasan ko nang sasabihin, hindi kinakailangang galing sa pulis ang iuupo dito! Sawa na raw ang NBI sa isyung ito. Matapos nilang maranasan ang estilo ng mga dating umupo galing sa hanay ng pulisya.
Dapat ding nakapag-aral o di naman kaya nagkaroon siya ng karanasan ng pagsasanay sa Federal Bureau of Investigation ng Estados Unidos. Dito pa lang alam niya na ang pagkakaiba.
Alam niya na rin kung ano ang tamang pamantayan na kinakailangan dahil naintindihan niya ngayon kung bakit tinawag na National Bureau of Investigation.
Hindi kinakailangan na manggagaling sa loob o isang insider ang ihihirang. Ang taong kinakailangan ay may strong personal conviction at hindi yung sunud-sunuran sa lahat ng bagay na ididikta sa kanya ng nasa itaas.
Panghuli, dahil siyay respitable at nirerespeto, meron siyang moral authority sa mga taong kanyang dadalhin mula sa ibaba.
Kaya naman tahimik na nagtatawanan sa loob ng NBI at mistulang naging payaso ang pobreng si Bulaong sa paglutang ng kanyang pangalan. He-he-he!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest