^

PSN Opinyon

Pandaigdigang araw ng mga kababaihan; Kapistahan ni San Juan de Dios

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
GINUGUNITA ngayon sa maraming panig ng mundo ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan. Ito ay bilang pagkilala sa papel na kanilang ginagampanan sa ating lipunan. Mula sa tahanan – si nanay, si ate, si lola, si tiya, si misis, — ay napakahalaga ng kanilang katauhan at mga gampanin. Sa lipunan — si m’am sa eskuwelahan, si Aling Julie na nagwawalis, si Nana Juana sa tindahan, si Doray na mananahi, si Petra na naglalako ng kakanin, mga kababaihang naglilingkod sa mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, sa bangko at iba’t ibang sector at industriya — lahat sila’y hindi matatawaran ang mga kakayahan at gawain.

Naisip n’yo na ba ang magiging katayuan ng mundo kung walang mga kababaihan? Natatalos n’yo ba ang napakahalagang papel ng ating Mahal na Inang si Maria sa buhay ni Jesus?
* * *
Bihira ang nakaaalam, at kung may nakakaalam man ay nakakalimot na, na ngayon ay kapistahan ni San Juan de Dios, isang paring relihiyoso. Si San Juan de Dios ay ipinanganak sa Portugal noong 1495. Pagkatapos ng ilang mapanganib na panahon sa serbisyo militar, inilaan niya ang mas mahaba pang taon ng kanyang buhay sa ganap na pangangalaga ng mga maysakit.

Nang itinatag niya ang isang ospital sa Granada, Spain, pumili siya ng mga kaagapay niya na nagbuo ng Order of Hospitallers of St. John of God. At ang naturang ospital ang naging panuluyan ng lahat ng uri ng maysakit: Mga pilay, ketongin, pipi, nasisiraan ng bait, paralitiko, mga matatandang hindi na matulungan ang sarili, mga batang maysakit, kasama na rin ang mga naglalakbay na walang matuluyan. Ni hindi sila tumatanggap ng anumang kabayaran. Ang kanilang itinutustos sa mga maysakit ay mula sa perang inutang ni San Juan de Dios mula sa maaaring mautangan.

Ayon pa sa kanyang sariling sulat, kadalasan sobrang laki na ng kanilang pagkakautang kung kaya’t hindi na siya lumalabas sa kanilang tinitirhan sa takot na baka dakpin na lang siya ng kanyang mga pinagkakautangan. Gayunpaman, nagtitiwala siya kay Jesus na gumagabay at tumutulong sa kanila. Nasabi pa nga niya, "Kahabag-habag ang isang taong nagtitiwala sa tao sa halip na kay Jesus." Alam niya na sa gustuhin man ng tao o hindi, darating ang panahon na malalayo tayo sa tao, datapwat si Jesus ay matapat at palaging magiging kasa-kasama mo, sapagkat siya ang nagbibigay ng lahat-lahat.

Si San Juan de Dios ay mas kilala dahilan sa kanyang pagkakawanggawa sa mga mahihirap, lalo na ang mga maysakit. Namatay siya sa Granada noong 1550.

ALAM

ALING JULIE

DIOS

NANA JUANA

ORDER OF HOSPITALLERS OF ST. JOHN OF GOD

PANDAIGDIGANG ARAW

SAN JUAN

SI SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with