EDITORYAL - Bitayin ang mga smugglers!
March 8, 2006 | 12:00am
TALAMAK ang smuggling sa bansa at patuloy na nalulugi ang gobyerno. Kaya hindi kataka-taka kung bakit mahina ang koleksiyon ng Bureau of Customs. Mula nang maupo si President Arroyo noong January 2001 ay hindi na nagpakita ng magandang pangitain ang Customs. Kulang ang koleksiyon. Nagkaroon na nang maraming commissioner ang Customs pero walang nakasupil sa mga salot na smugglers.
Noong panahon ni dating President Estrada ay laganap din ang smuggling. Parang madulas na buto ng santol ang pagdaan ng mga epektos sa Customs at tila walang nakita ang mga customs officials. Balewala ang pagdagsa ng mga smuggled na motorsiklo, kotse, bigas, ukay-ukay na damit, bawang at marami pang iba. Ipinag-utos nga ni Estrada na ang lahat ng mga nakumpiskang smuggled na produkto ay dalhin sa Malacañang. Parang naging bodega ang bakuran ng Malacañang sa dami ng mga nakatambak na smuggled na produkto. Hanggang ngayon na wala na si Estrada at nakakulong sa isang resthouse sa Tanay, nababanggit pa rin ang kanyang pangalan dahil sa hindi rin niya nasugpo ang grabeng katiwalian doon.
Ngayong panahon ni Mrs. Arroyo ay walang pagkakaiba ang smuggling. Talamak pa rin . At hindi nakapagtataka maging dahilan ng kung short na naman ang koleksiyon ng Customs. Ito ang dahilan kaya kapos sa pondo ang pamahalaan at malaki ang budget deficit. Marami na ring naging commissioner ng Customs commissioner si Mrs, Arroyo subalt iisa ang kanilang ipinakita: Mga takot hagupitin ang mga smugglers.
Bahag ang buntot ng mga customers. At hindi kaya may pinangingilagan kaya takot mang-aresto.
Noong isang araw ay nagbanta si Mrs. Arroyo na aarestuhin ang sinumang magdadawit sa pangalan ng kanyang asawang si First Gentleman. Ang utos ay kasunod nang mapabalitang dawit na naman ang kanyang asawa sa scandal. Nabanggit ang pangalan ng mga umanoy pinapadrinuhan ni FG na sina Samuel Lee, David Tan, Lucio Co at Basilio Tan. Ang mga pangalang ito ay una nang binanggit ng mga senador nang magsagawa ng inquiry noong nakaraang buwan. Pilit nilang piniga si Customs Commissioner Napoleon Morales pero walang lumabas.
Aarestuhin ang sinumang magdadawit kay First Gentleman. Okey ito pero mas nararapat na magkaroon ng tapang na durugin ang mga buwaya. Bitayin sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended