Sakit ng ulo
March 5, 2006 | 12:00am
May tatlong uri ng sakit ng ulo. Ang una ay ang tinatawag na tension type headache, pangalawa ay cluster headache at ang pangatlo ay migraine headache.
Ang tension type ay yung nararamdaman mong tila may band na nakatali sa iyong ulo at ang sakit ay madarama sa anit, mukha, leeg at maging sa balikat. Siyam sa 10 sakit ng ulo ay kabilang sa tension type. Nadedevelop ang sakit ng ulong ito dahil sa stress at anxiety.
Ang cluster headaches ay bigla-bigla ang pagsakit sa isang bahagi ng ulo kadalasan ay sa paligid ng mata o sentido at may kasamang pagluluha ng mga mata at nasal congestion. Bagamat walang dahilan kung ano ang dahilan at kung paano magagamot, pinapayuhan ang mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo.
Ang migraine headache ay ang nakaiiritang sakit na kadalasang apektado lamang ay ang kabiyak na bahagi ng ulo bagamat maaari ring apektado ang buong ulo. Bago umatake ang migraine, maaaring magkaroon ng visual at gastro-intestinal symptoms.
Ang migraine ay maaaring umatake kahit na anong edad subalit karaniwang nagkaka-migraine ang mga may edad 10 hanggang 30. Ayon sa statistics, ang migraine ay nawawala kapag ang isang tao ay dumating na sa edad 50.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended