^

PSN Opinyon

Sa state of emergency, kasama ba ang mga corrupt?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAKATUTUWA ang usapan ngayon sa Bureau of Customs at Bureau of Immigration tungkol sa isyu ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo regarding sa idineklara niyang state of emergency.

Tanong nila, kasama ba ang mga corrupt at super corrupt sa Bureau of Customs at Immigration?

Siguro dapat ding lusubin ng kapulisan at militar ang mga haybol ng mga corrupt sa bureau na super yaman ngayon para kumpiskahin ang ninakaw nila sa gobyerno. Ika nga, bawiin ang mga ninakaw ng mga kamote!

Sa liit ng salary ng mga corrupt ay nakapagpundar ang mga gago ng mansion houses, resort, expensive vehicles at nakakapag-maintain pa ng other woman. Diyan lang sa BoC, isang "Singsing" ang yumaman nang todo dahil sa padrino niyang isang lawmaker.

Sa Immigration naman, wala pa ring tatalo kay "pambol" no. 1 sa hidden wealth at sa mga bebotsky. Medyo lumamig na kasi ang kampanya ng lifestyle check ng ating gobyerno. Sabi nga, naging busy sila masyado sa Politics!

Hindi lang sa mga kompanya ng d’yaryo, telebisyon at radyo ang dapat bantayan o tiktikan ng kakampi ni Prez Gloria kundi maging mga magnanakaw sa gobyerno ay dapat ding ikulong. Patas ang dating sa state of emergency! Ika nga, sampolan sila!

"Political will lang ang kailangan para matigil na ang mga kagaguhan ng mga gumagago sa gobyerno," sabi ng kuwagong retired Boy Scout.

"Dapat ding iwasan ang masyadong pulitika para gumanda ang takbo sa Pinas lalo ngayong saksakan ng daming investors ang nagtitiwala sa atin," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Dapat iutos ni Prez GMA sa kanyang mga guwardiya sibil na tirahin at ikulong ang mga corrupt sa gobyerno," naiinis na sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Dapat nga, kamote, sampolan sila ngayon habang mainit ang state of emergency issue!"

"Tumpak!"

BOY SCOUT

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

DAPAT

IKA

PREZ GLORIA

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SA IMMIGRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with