Pamilya Saunar ng Jerphi Overseas Placement marami nang naloko!
February 26, 2006 | 12:00am
PATULOY pa rin ang pambibiktima ng Jerphi Overseas Placement and Trading Corporation sa mga kaawa-awa nating mga kababayang naghahangad na makahanap ng trabaho sa ibang bansa upang maiahon sa kahirapan ang kanilang mga pamilya.
Ayon kasi sa mga nakausap kung biktima ng illegal recruitment noong Biyernes ng tanghali nang silay personal na makipagkita sa akin sa isang food chain sa Sta. Cruz, Manila, kawalan ng tiwala sa mga kapulisan at ahensya ng ating pamahalaan ang nag-ugat sa kanila upang idulog ang kanilang problema, he-he-he!
Agaran ko kasing ipinararating sa mamamayan at kinauukulan ang mga problemang idinudulog sa akin kaya mabilis ding umaaksyon ang mga ito. Get nyo mga suki!.
"Wala na po kaming tiwala sa ating mga kapulisan upang madakip ang pamilyang Saunar sa kadahilanang sila pala mismo ay patong o nakikinabang. Naglakas loob kami na sa inyo na lamang ilapit ang aming problema upang mailathala ang mga pangalan ng mga ito nang matigil na ang kanilang illegal na operasyon."
Ibinigay nila sa akin ang kopya ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Placido C. Marquez ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 40, Manila sa agarang pagdakip sa pamilyang Saunar sa lalong madaling panahon at walang piyansang itinakda.
Mukhang nabulag o nalito rin si Judge Marquez sa kanyang naging desisyon dahil nakapagpiyansa pa ang pamilya Saunar nang unang mahuli ang mga ito ngunit nakapaloob sa naturang kautusan na walang piyansang nakatakda, he-he-he! Ano ba yon mga suki! Pati si Judge naisahan ng mga tuso.
Para sa kaalaman nyo mga suki ito ang mga pangalan ng tatlong manloloko na dapat ninyong iwasan: Sina Pedro B. Saunar, Florinda N. Saunar at Donnie N. Saunar ng Jerphi Overseas Placement and Trading Corporation na may tanggapan sa Unit 219 Aurora Plaza Building, Arquiza St., corner Jorge Bocobo, Ermita, Manila, na may Criminal Case No. 05-239875 for Illegal Recruitment (Large Scale). Take note "walang piyansang nakalaan sa kanila".
Ngunit sa kabila ng kautusan ni Judge Marquez patuloy pa rin ang pamamayagpag ng tatlo at nakapambibiktima pa rin sila ng mga taong naghahanap ng trabaho at aking napag-alaman na ang mga naloloko ay pawang nagmula sa malalayong probinsya.
"Naisanla na po namin ang aming lupa at bahay para lamang ipambayad sa placement na kanilang hiningi. Ang sakit po ng kanilang ginawa sa amin, nailit na nga po ang aming ari-arian nawawala pa ang aming katarungan."
Napakasuwerte talaga ng pamilya Saunar. Napagalaman ko na kaya pala hindi mahuli ang tatlo ay sa dahilang kabilang pala ang tatlo sa mga kinikilalang "milking cow" ng mga tiwaling opisyales ng PNP.
Napag-usapan kasi ng mga pulis na nakausap ko na ang tatlo ay may pinararating na protection money sa matataas na opisyal ng Manila Police District, Parañaque at Las Piñas City kaya nagbubulag-bulagan ang mga ito. He-he-he! Nagpapakasarap sila sa pagsipsip ng gatas mula sa mga manloloko.
At dahil wala nang ti-wala ang mga biktima sa kapulisan, ako na mismo ang nananawagan sa mga magigiting nating opisyal ng Philippine Overseas and Employment Administration (POEA) na gumawa ng hakbang sa mabili- sang pagdakip sa tatlong manloloko.
At upang madaling malambat ang tatlo, narito ang kanilang address na ibinigay ng isang biktima: Italia Homes, Blk 54, Lot 22, V. Emmanuel St., Barangay Talon, Las Piñas City. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest