Coup d’etat in hell aborted!!!

TARANTANG-TARANTA si Taning at ang kakambal niyang si Dimon, tagilid ang kanilang hawak sa trono. Serious talaga ang itong balitang coup d’etat. Kabadung-kabado sila at sa bihirang pagkakataon ay lubos silang natatakot dahil wala silang mapagkatiwalaan.

Mga heneral nila na dati-rati ay naaasahan nila ay alam nilang nakakausap ng nais umagaw sa kanilang trono. Ultimo ang mga aswang, demonyo, impakto, multo, tikbalang at iba pang mga masasamang espiritu ay alam nilang hindi maaasahan.

Hindi nila malaman ang gagawin, isa ito sa pinakaseryosong attempt sa kanilang kaharian sa talagang napakatagal na panahon. Lahat ng mga paraan na ginawa nila noon ay inisip nila kung uubra.

Research ng katakut-takot ang dalawa. Buklat ng mga libro at bukas ng computer na may file ng mga deadly and dirty tricks na ginamit nila laban sa ibang nagtangka noong nakaraan gaya nina Adolf Hitler, Ted Bundy, Napoleon Bonaparte, Idi Amin, Caligula at iba pa ay nireview nila.

Todo review, cramming na parang mga estudyante na naghahabol lang pag malapit na ang exams ang ginawa nila at tulirung-tuliro na sila. Walang talaga silang makitang paraan upang mapigilan ang napipintong pang-aagaw sa korona nila.

Una’y inisip nila na dagdagan ang bilang ng guwardya, isama sa magbabantay ang mga yumaong mga pulitiko pero hindi ubra, kayang suhulan ng mang-aagaw at babaligtad agad ang mga ito.

Pangalawang paraan ay total na sarhan ang impiyerno, walang papapasukin at walang palalabasin pero uso na ang cell phone, champion ang kalaban nila sa larangan ng komunikasyon at magaling pa nga sa HELLO TANNIE kaya walang lusot. Pinakamatinding makukuha nila ay noted lang.

Pangatlong paraan na pumasok sa isip nila ay ni huwag payagang lumapit, gamitin ang CPR pero original at patented ng katunggali nila ang paraang yun tsaka hindi ubra pagkatiwalaan ang mga yumaong corrupt na police at sundalo na malabong sumunod sa kanila, malamang pa bumaligtad sila, kaya kalimutan na lang, isip pa ng ibang paraan.

Pinagpapawisan ng yelo ang dalawa kahit na ubod ng init, wala silang pupuntahan tsaka matagal na silang naghahari roon so bakit nila paaagaw, sila yata ang nakaupo.

"May paraan utol, huwag tayong mawawalan ng pag-asa, nandyan lang ang paraan sa ating mga deadly tricks, kumain muna tayo at mahirap mag-isip ng kumakalam ang tiyan," sabi ni Taning.

Pinatawag nila ang ilang natitirang loyal sa kanilang mga heneral at pagkatapos ay ang chief cook nilang si Idi Amin, isang kilalang malupit na lider ng isang bansa sa Afrika na kumakain ng taong kumakalaban sa kanya at nagpahanda ng masarap na pagkain.

Hindi umubra noon ang coup attempt ni Amin dahil naunahan nila ito ng takot nang pinakita nilang ginagawa nilang chicharon ang tenga ni Hitler. Kinabahan si Amin dahil baka gawin siyang dinuguan ni Taning at ni Dimon.

Habang kumakain, naitanong ni General Lucifer si Amin: "Ano ang gagawin mo kung may nagtatangkang umagaw sa nasasakupan mo pero hindi mo naman kayang labanan dahil malakas bagama’t maliit?"

"Sino siya mga boss? Bakit naman siya pupunta rito, wala na bang siyang nasasakupan o magagapi na ba siya ng mga kabutihan sa daigdig?" tanong ni Amin.

"Hindi mo na kailangan malaman kung sino siya, importante ay ano ang dapat gawin? Mas matindi sa inyong lahat ito, small but terrible ito! Mas malupit sa amin ito kaya huwag mong pangaraping makarating siya rito," diin ni Taning.

"Kung ganoon mga bossing, simple lang, alalayan n’yo, tiyakin n’yong hindi siya magagapi, lahat ng suporta ibigay n’yo pero bigyan n’yo ng problema para hindi maging over confident at baka palawigin ang kanyang kaharian," pabulong na sagot ni Amin na nag-aalalang baka marinig siya ng mga intelligence agent na mahilig sa wiretapping.

Naglinaw ang mukha ng mag-utol na Taning at Dimon at ang Heneral nilang si Lucifer, nakahinga nang malalim at agad nagtinginan na may ngiti sa labi.

"Sabihan n’yo ang lahat ng mga kaalyado natin, kakampi natin, mga bayaran natin, mga halang ang kaluluwa, mga criminal, mga corrupt, mga sinungaling, magnanakaw, lahat ng kawatan na hawak natin, mga linta, mga tuta natin, lahat ng masasama, full force back up the Monkey Queen," pahiyaw na utos ni Taning at ni Dimon sabay pirma ng executive order.

Si Heneral Lucifer naman ay inangat ang high tech 4th generation na cell phone at tinawagan si Kamatayan: "Hello Deadly, magtungo ka sa kaharian ni Monkey Queen, pumatay ka nang marami, wala kaming pakialam kung paanong paraan. Lindol, landslide, mudslide, stampede, bahala ka na, basta kailangang maguluhan siya, pero hindi siya kasali. Exempted ang Monkey Queen ok. OO! Kahit by more than ONE MILLION."
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e-mail sa nixonkua@yahoo.com o nixtkua@gmail.com o mag text sa 09272654341.

Show comments