Inireklamong illegal recruiter kuno, humarap at nagpaliwanag sa BITAG!
February 22, 2006 | 12:00am
PAULIT-ULIT naming itatatak sa larangan ng serbisyo publiko at investigative journalism, patas kaming magtrabaho!
Matatandaan na noong nakaraang Miyerkules ay nalathala sa kolum kong ito ang mga "paaralang pugad ng katiwalian".
Lakas loob at matatag na humarap sa Bahala si Tulfo at BITAG ang isang gurong inireklamo ng Illegal Recruitment.
Dito, may sinseridad niyang pinagsisisihan ang kamaliang nagawa sa mga nagreklamo gayong ang kanyang layunin naman daw ay pagtulong.
Kapag ganito na ang sitwasyon na marunong tumanggap ng kamalian ang kabilang panig at nakatungo itong humihingi ng dispensa, marunong kaming makinig.
Ayon sa gurong ito, siya din daw ay biktima ng maling pagtitiwala at pakikipagkaibigan.
Bagaman maluha-luha, hindi namin sinasabing lubusan kaming naniniwala. Narito ang isang bahagi ng kanyang liham na personal niya mismong inihatid sa BITAG ACTION CENTER
I am now taking my sole responsibility, I just wanted to make amend my mistake due to lack of foresight of trusting. I was so naïve in trusting the said Malaysian recruiter in the hope that I could be of help to the applicants for them to be able to seek a greener pasture. I am now applying for a possible way to refund them of the expenses they have incurred
Tanda ng pagsisisi, eto ang mahalaga sa BITAG! Mas pinakikinggan namin ang mga taong marunong sumuko at umamin sa kasalanan.
Nahahamon kami at nanggigigil dun sa karamihan na pumapalag pa e hulog na hulog na sa aming mga patibong!
Maging babala sana ang pangyayaring ito sa lahat ng Pilipino, maging PALA-DUDA at wag basta-basta MAGTITIWALA.
Iiwanan ko sa inyong mga mambabasa ang paninimbang sa sitwasyong ito. Dahil magkabilang panig ang naging biktima ng PANLOLOKO
Kaakibat ng pangalang BA-HALA SI TULFO at BITAG ang salitang PATAS at KATOTOHANAN dahil ganito kami MAGTRABAHO!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended