^

PSN Opinyon

Kaparakan sa Pasig sabit sa droga

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HAPPY VALENTINE’S DAY, dear readers lalo na sa mga kasangga kong mga workers sa Hong Kong. Alam ko kung gaano kayo kalungkot ngayon dahil sa wala kayo sa piling ng inyong mga mahal sa buhay. Ika nga, homesick kayo!

Kaya lang talagang ganyan ang buhay. Sabi nga, love hurts pero dapat unahin muna ang sikmura before ang heart. Sangdamakmak man ang pag-ibig natin sa katawan kung alaws tayo atik, tiyak walang mangyayari.

Iyong malayo sa mahal ninyo sa buhay, huwag magpatukso sakit lang ng ulo iyan. Sabi nga, init lang iyan, lilipas din. Gayunpaman, Happy Valentine’s Day!

Belated Happy Birthday kay NAIA Customs Collector Boysie Belmonte. Ngayon ang araw na ito ang simpleng handa ni Boysie sa NAIA. Ang pagbati ay mula sa mga miyembro ng NAIA Press Corps Incorporated.

Ang isyu, masama yata ang pasok ng year 2006 sa ilang katulisan, este mali, parak pala na nakatalaga sa Pasig City kasi hindi magiging maganda ang kanilang kapalaran kapag nagkataon.

Katakut-takot na imbestigasyon ang ginagawa ng pamunuan ng kaparakan sa Crame sa ilang kabaro nila dahil sa nabukong shabu shanty sa Pasig City Market. Sabi nga, parang talipapa ang bentahan ng droga todits.

May 300 people lang naman ang nahuli nang salakayin ng mga bataan ni DIDM bossing at con-current AIDSOTF Jun Ele, ang isang palengke matapos makakuha ng information na walang humpay ang bentahan ng shabu sa Pasig Market.

Sa isyung ito, nagulantang pati si PNP bossing Art Lomibao nang mabalitaan niya ang nangyari. Ano kaya ang masasabi ni Honorable Pasig City Mayor Enteng Eusebio sa kanyang mga botanteng nasungkit ni Jun?

Mukhang nagti-tripping ang mga lespu mo diyan kaya alaws silang mahuling lak-tu?

Mukhang mas mabenta pa sa lapulapu at tanigue ang bo-shab diyan sa palengke, ha, yor-mi? Alam ko dehins kinukunsinte ni Enteng ang talamak na bentahan ng droga sa Pasig City Market.

"Baka naman mga tawas lang ang nahuli ng mga bataan ni Jun sa palengke?" tanong ng kuwagong laglag-barya gang.

"Kamote ka pala hindi pipitsugin si Jun laking intel ito," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kung lalong lumalala ang bentahan ng shabu ibig bang sabihin talagang tulog ang mga lespu?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan kamote ang ipasagot natin sa Crame!"

ALAM

ART LOMIBAO

BELATED HAPPY BIRTHDAY

CRAME

CUSTOMS COLLECTOR BOYSIE BELMONTE

HAPPY VALENTINE

PASIG CITY MARKET

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with