^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pakinabang at pinsala ng pagmimina

-
MALAKI ang pakinabang sa mining industry pero malaki rin ang binibigay na pinsala sa kapaligiran. Totoo iyan. Isang halimbawa ay ang nangyari sa Marinduque kung saan ay napinsala ang kapaligiran doon at nagkasakit pa ang maraming residente. Hanggang ngayon ay hindi pa nakakabangon ang Marinduque sa pinsalang idinulot ng Marcopper Mining Corporation. Pinatay ng dayuhang mining company ang Boac River makaraang tapunan nang tatlong milyong tonelada ng toxic mine tailings. At ang mas matindi, nagkaroon ng kung anu-anong sakit ang mga residente sa paligid ng Marcopper.

Noong nakaraaang linggo, muli na namang nabagabag ang taumbayan nang ang Lafayette, isang mining company na nag-ooperate sa Rapu-Rapu, Albay ang itinurong dahilan nang pagkamatay ng mga isda at nang pagkakasakit ng mga residente. Nagkaroon ng dalawang toxic spills ang Lafayette noong nakaraang taon at ito ang itinuturong dahilan kaya namatay ang mga isda at ang paglitaw ng mga galis sa mga residente. Gayunman nang suriin ang tubig, wala naman daw nakitang toxic doon.

Pero ang eksaminasyon sa tubig ay hindi naman nakakumbinsi sa House committee on natural resources at patuloy pang iimbestigahan ang Lafayette.

Malaking pagkabagabag sa isipan ng taumbayan kapag may mga mining company na nakapasok sa Pilipinas. Halimbawa ay sa Oriental Mindoro. May nagbabalak magmina roon subalit malakas ang paninindigan ng mga Mindorenyo na hindi nila hahayaang makapasok ang mga magminina sa kanilang probinsiya. Hindi raw nila hahayaan ang Mindoro Oriental maging katulad ng Marinduque.

Sabi naman ng mga negosyante, mali ang ginagawang pagpapatigil sa pagmimina sapagkat malaki ang pumapasok na pera mula rito. Malaki anila ang mawawala kapag ipinatigil ang operas- yon ng mga mining company.

Tama ang mga negosyante, malaki ang papasok na pera pero mas malaki rin ang lilikhaing pinsala kapag nagpatuloy ang pagmimina.

Kamakalawa ay dumalaw si dating US Vice President Al Gore at maski siya ay nagpahayag na sisirain ng pagmimina ang kapaligiran.

Tama si Gore. Nangyari na nga sa maraming bahagi ng Pilipinas ang kanyang babala.

ALBAY

BOAC RIVER

MARCOPPER MINING CORPORATION

MARINDUQUE

MINDORO ORIENTAL

ORIENTAL MINDORO

PILIPINAS

TAMA

VICE PRESIDENT AL GORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with