Kakaibang panahon
February 5, 2006 | 12:00am
HINDI pa man tag-init pero nadarama na ang init ng panahon, lalo na sa kalunsuran. Maraming tao ang nagkakasakit bunga ng pagpapalit ng klima.
Ngunit ang misyon, anumang panahon, ay pareho pa rin: Ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo at pangangaral ng Mabuting Balita. At ito ang ipinapahayag sa atin sa Ebanghelyo sa araw na ito na hango sa Marcos 1:29-39.
Mula sa sinagoga, silay nagtungo sa bahay nina Simon at Andres. Kasama nila sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at itoy agad nilang sinabi kay Jesus. Nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon diy nawala ang lagnat ng babae at naglingkod sa kanila.
Pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit, at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.
Madaling araw pay bumangon na si Jesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng kanyang mga kasama. Nang siyay matagpuan, sinabi nila, "Hinahanap po kayo ng lahat." Ngunit sinabi ni Jesus, "Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako roon - ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum."
Nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Isa sa hindi nalilimutang gawain ni Jesus, maliban sa pagsasagawa at pagtupad sa kanyang misyon, ay ang patuloy na pananalangin. Naway huwag nating kaliligtaan ang pananalangin, upang sa lahat ng ating mga gampanin ay palagi nating kaagapay ang Panginoon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended