^

PSN Opinyon

Nakabubuwisit na ang EVAT

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NABUBUWISIT na ang mamamayan. Ipinahayag ng Malacañang na inaprubahan na nila ang 12% expanded value added tax (EVAT). Matindi ito lalo na ngayong taghirap. Kapag nagtaas ng buwis, ang mga bilihin at mga serbisyo ay bigla ring magtataasan. At ang tatamaan ng pagtataas ay ang mamamayan.

Nang iimplement ang 10% EVAT noong nakaraan taon, marami ang tumutol. Kinontra ito kahit na ipinaliliwanag ng mga opisyal ng gobyerno sa pangunguna ni President Gloria Macapagal-Arroyo na ito lang ang paraan upang makaahon ang bansa sa kahirapan.

Ngayo’y heto na naman ang pamahalaang Arroyo at idinuduldol na naman sa mukha ng taumbayan ang expanded value added tax. Hindi natutuwa ang taumbayan sa bagong pagtataas ng EVAT. Lalo pa nga at hindi maipakita ng pamahalaan na may nangyaring kabutihan sa bansa ang paniningil ng EVAT.

Matutiuwa sila kung may kinapupuntahan ang EVAT na sinisingil. Sa ibang bansa, sa US halimbawa, ang kinakaltas na buwis ay napupunta sa mga magagandang lansangan, peace and order, edukasyon at iba pang mga magagaling na pampublikong serbisyo na ang nakikinabang ay mga mamamayan at ang kanilang mga pamilya.

Wala pa akong narinig na pumupuri sa gobyerno dahil sa paggamit ng buwis para sa ikabubuti ng bansa. Kabaligtaran ang aking nadidinig. Ginagamit lamang ng mga opisyal ng gobyerno ang salapi ng bayan sa kanilang pansariling interes.

GINAGAMIT

IPINAHAYAG

KABALIGTARAN

KAPAG

KINONTRA

MALACA

MATINDI

MATUTIUWA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with