Perwisyong trapik sa victory party ni Pacman
January 29, 2006 | 12:00am
MAINIT ang pagsalubong ng sambayanang Pilipino kay Manny "Pacman" Pacquiao ang bagong "bayani" ng kamao ng bansa nang dumating mula sa Las Vegas, Nevada noong Biyernes. Pinabagsak ni Pacquiao si Erick Morales ng Mexico.
Pinagkaguluhan si Pacquiao nang bumaba sa eroplano ng mga sabik na nag-aabang niyang tagahanga, maging ang mamamahayag ay nagbalyahan upang makunan ng larawan at mahingian ng kunting mensahe. He-he-he! Wala munang kai-kaibigan sa bawat isa. Ika ngay trabaho lang po.
Halos mapisak ang "bayani" dahil sa pagsisiksikan ng mga tagahanga at mamamayahag at siyempre hindi pahuhuli ang ating mga bidang pulitiko. Halos lahat ay kapit-tuko kay Pacquiao upang mapasama sa mga larawan. Kabilang na siyempre rito si Manila Mayor Lito Atienza na itinuturing na bagong ama ni Pacman.
Para sa kaalaman ninyo mga suki! Si Pacquiao ay adopted son ng lungsod ng Maynila kayat kung inyong napansin kahit saan bumaling ang ating "bayani" ay nakadikit si Mayor. Get nyo mga suki! He-he-he! Di ko sinasabing gagamitin nila ito sa kampanya sa darating na election.
Sa kabila ng abot tengang halakhak ng mga napasamang pulitiko kay Pacquiao ng mga sandaling iyon ay marami akong natanggap na haka-haka. Ayon kasi sa mga nasagap kong tsismis gagamitin umano ng isang pulitiko na malapit kay Pacman ang pagkakataong iyon sa kampanya sa pagka-pangulo ng bansa. He-he-he! Inggit lang ang mga iyan dahil hindi sila pinagbigyan na madaanan ng parada ang kanilang lungsod.
Matapos na makapagpahinga ang ating "bayani" ay agad itong nagtungo sa Palasyo ng Malacañang upang makadaupang palad si President Gloria Macapagal-Arroyo. Talagang wala akong masabi kay President Arroyo dahil talagang naghanda pa siya ng espesyal na pagkain kay Pacman at sa buong pamilya at siyempre di mawawala ang picture taking souvenirs.
Agad na bumalik ang mag-anak sa Manila City Hall upang sumakay sa inihandang karwahe ng kanyang amain at agad na tumulak ito upang libutin ang lungsod ng Maynila. Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang mga taong nag-aabang sa ating "bayani", halos ang lahat ay ninanais na mahawakan o maabot man lamang ang kamay ni Pacman ng mga sandaling ito.
Ang iba ay nagpawala pa ng kompeti sa bawat gusaling dinaraanan ng parada, ang iba namay napilitang umakyat sa kanilang mga bubungan upang matanaw man lamang ang kanilang bagong idolo. At dahil marahil sa tindi ng init at pananabik na nadarama ng mga taga hanga ni Pacman ng mga sandaling iyon ay tinugon ng kalikasan ang kanilang kahilingan.
Bumuhos ang malakas na ulan ng kasagsagan ng parada kung kayat ang lahat ng nag-aabang ay nagkanda-basa at sila ay nakadama ng ginhawa. Marunong talaga ang Diyos. Marahil kaya niya pinaulan ng sandaling iyon ay upang mabawasan ang init ng mga mata ng ilang nag-aambisyon makadau- pang palad ang bagong "bayani" upang gamitin din sa pulitika. He-he-he! Gamitan blues lang yan, get nyo mga suki! Naluha ang langit sa pag-aalalang di mapag-isa ang sambayanang Pilipino kung may ilang ambisyosong pulitikong sumasakay sa katanyagan ng iba.
Alam kaya ng mga kapit-tukong pulitikong ito na ang ginawa nilang perwisyo ng gabi ng Victory Party sa Rajah Sulayman? Para sa kaalaman ninyo mga sir, marami sa ating mga mamamayan ang nagkandaduling ang mata sa labis na gutom na naranasan dahil sa sobrang trapik na naidulot ng bonggang parangal ng gabing iyon.
Marami sa mamamayan ang nakatulog sa kanilang mga sinasakyan dahil sa labis na pagkabagot sa di gumagalaw na trapiko matapos saraduhan sa trapiko ang magkabilang dereksyon ng Roxas Boulevard at ginawang paradahan ng mga sasakyan ang mga kalye ng San Andres, Remedios at maging ang tapat ng Malate church sa M.H.Del Pilar ay ginawang parking ng ilang piling panauhin.
Nalito ang motorista kung saan sila susuling para maiwasan ang dambuhalang trapek. Sa halip na matuwa sila sa ating "bayani" nakaroon tuloy sila ng tampo dahil sa naturang pangyayari. Bakit naman kasi mga sir, maluwag naman ang Quirino Granstand sa may Luneta na may kakayahang magparada ng sang damukal na sasakyan para sa mga bisita at mga tagahangang nais na makahalubilo si Idol.
Bayani po ito ng bansa, bakit naman pinagpipilitan pa sa naturang lugar na idaos ito? Dahil ba sa malalaking posters na naka bitin? O siya mga suki bahala na kayong umunawa sa kanila at lagi ninyong tandaan ang kanilang mga pangalan para hindi na kayo muling maperwisyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended