^

PSN Opinyon

Isa na namang gawa…

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Hindi matapus-tapos ang usapan tungkol sa magaling na paggawa ni Manny "Pacman" Pacquiao sa loob ng "ring" upang kamtin niya ang kanyang pagkakapanalo kay Erik Morales. At talaga namang makikita sa bunga ng kanyang laban kay Morales na pinaghandaan ni Manny nang husto ang kanyang laban — hindi lamang pisikal at sikolohikal na paghahanda, kundi pati na rin ang pang-espiritwal niyang paghahanda: ang matinding pananalangin, kasama na ang pagdalo sa Misa bago ng laban niya, at paghingi niya ng tulong sa iba na ipanalangin siya.

Ganoon din sa ating buhay sa araw-araw. Kailangan ang matinding paghahanda at mas malalimang pakikipag-isa sa Diyos, upang ang lahat ng ating gagawin ay tiyak na magbunga.

At sa Ebanghelyo sa araw na ito ng Linggo, ang diin ay nasa paggawa na naman ni Jesus, hindi sa itinuturo niya. Mas higit na nagiging mabisa ang pagtuturo ni Jesus dahilan sa mga ginagawa niya, lalo na kung ang mga ito’y kakaiba sa paningin ng mga ordinaryong tao (Mc.1, 21-28).

"Nagpunta sila sa Capernaum. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila ng parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.


"Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: ‘Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal na mula sa Diyos!’ Ngunit iniutos ni Jesus sa masamang espiritu, ‘Tumahimik ka! Lumayas ka sa kanya!’ Pinapangisay ng masasamang espiritu ang tao at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, ‘Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinusunod naman siya!’ At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Jesus."

Oo, gawa at hindi ngawa ang ating kinakailangan!

ANO

ARAW

BIGLA

CAPERNAUM

DIYOS

EBANGHELYO

ERIK MORALES

GALILEA

GANOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with