^

PSN Opinyon

Pangongotong ng mga tauhan ni Mayor Pedro Cuerpo sa Montalban, patuloy na binabantayan ng BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HINDI pa man natatapos ang programa ng BITAG sa IBC 13 noong Sabado ay agad kami nakatanggap ng mga reklamo at sumbong hinggil sa patuloy at walang takot na sapilitang paniningil ng mga tauhan ni Mayor Pedro Cuerpo ng Montalban, Rizal.

Ito ay makaraang isinagawa ng BITAG at CIDG-Rizal ang isang operasyon sa sapilitang paniningil ng bente pesos sa mga pumapasadang fx sa Montalban ng walang anumang resolusyon o ordinansa mula sa Pamahalaang Bayan.

Malinaw na iligal ang ginagawang paniningil ng mga tauhan ni Mayor Cuerpo dahil sa kawalan ng anumang resolusyon at maging ang pinatutunguan ng mga nasingil mula sa mga driver ay walang makapagpaliwanag.

Hinintay din ng BITAG mula sa tanggapan ni Mayor Cuerpo at maging sa kaniyang mga tauhan ang anumang pahayag, subalit hindi na namin sila matagpuan, o baka naman nagtatago na.

Estilo na yata ni Mayor Pedro Cuerpo na magtago sa sandaling nahaharap na siya sa kahihiyan dahil sa kaniyang mga ginagawang kalokohan.

Wala rin anumang hakbang ang Pamahalaang Bayan ng Montalban sa mga tauhan ng Munisipyo na nahuli ng BITAG at CIDG-Rizal at hinayaan na lamang maditena at masampahan ng kasong Robbery Extortion.

Mga tauhan niya ang nagbabayad sa kaniyang mga kalokohan at sumusunod sa kaniyang mga iligal na utos, at sa bandang huli mga tauhan pa niya ang mapapahamak.

Dalawang beses ng nalantad sa BITAG Mayor Cuerpo ang iyong mga kalokohan. Hindi pa kami natatapos sa’yo. Patuloy ka pa rin naming babantayan.

Hangga’t patuloy kaming nakakatanggap ng mga reklamo at sumbong ay hindi kami magsasawang tuldukan at dayuhin ka diyan sa lunggang iyong pinagtataguan.
* * *
Anumang reklamo, sumbong at tips tumawag sa 0918-9346417 o sa teleponong 932-53-10 at 932-89-19. Manood ng programang Bahala sina Ben at Erwin Tulfo (Tulfo Brothers) sa UNTVChannel 37, Lunes hanggang Biyernes, 9am-10:30am at mapapakinggan sa DZME 1530 khz 9am-10am.

vuukle comment

ANUMANG

ERWIN TULFO

MAYOR CUERPO

MAYOR PEDRO CUERPO

MONTALBAN

PAMAHALAANG BAYAN

RIZAL

ROBBERY EXTORTION

TULFO BROTHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with