Radiation therapy sa cancer
January 22, 2006 | 12:00am
Sa paggamit ng linear accelerators at sa mahusay na treatment planning, maraming complications sa radiation treatment ang nami-minimized. Ilan sa mga complications ay:
1.) pagkasira ng balat;
2) radiation pneumonitis
3.) bone and cartilage necrosis at
4.) radiation sickness.
Ang breast cancer ay isa sa maaaring gawing halimbawa. Sa mga bago pa lamang natutuklasang breast cancer, maaaring ibigay ang radiaton therapy bilang primary treatment. Maaari ring ibigay ang radiation theraphy bilang adjuvant sa mastectomy o ang local excision. Ang isang malaking tumor o cancerous growth ay maaaring mapaliit ang size sa pamamagitan ng radiation. Kapag napaliit ang tumor, ang operasyon dito ay nagiging madali.
Radiation therapy may also be given for palliation such as in the following conditions: 1.) a large fungating breast mass; 2.) Bone metastasis; 3.) Visceral metastasis; 4.) Skin metastasis; 5.) Ovarian castration; and 5.) Relief of pain.
Isa sa mga hindi malilimutang nagawa ng mga naging Secretary of Health na sina Dr. Clemente Gatmaitan at Dr. Paulino Garcia ay ang pagtatayo ng mga radiotherapy satellites sa bawat medical centers. Nakapagtayo ng satellites sa Cebu, Davao, Baguio and Manila. Ang ngayon ay sarado nang National Control Cancer Center at may dalawang pinakamalakas na linear accelerators dati. Ang paggamot ay ibinibigay ng libre sa mga kapuspalad na pasyente samantalang ang mga pay patients ay pinagbabayad lamang ng P100 hanggang P300 bawat linggo ng paggamot.
Ang mga gobyernong hospital gaya ng Rizal Medical Center ay pinagbabayad ang mga pasyente nang mas mababa sa mga kapus-palad na pasyente.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest