Gloria ipinapahamak ng sariling opisyales
January 21, 2006 | 12:00am
UMAMIN ang militar na mayroong natanggap na intelligence info tungkol sa balak na pagtakas ng mga "Magdalo Boys". Sa kabila nito, nakatakas pa rin ang apat. Pati Malacañang ninenerbyos ngayon sa posibilidad na kudeta. Hindi na puwedeng maliitin o ipaghalukipkip ng Palasyo ang bantang ito.
Nakapagtataka lang. Kung may advance info ang pamunuan ng militar, dapat sanay lalu silang naging bantay-sarado para mapigil ang tangkang pagtakas. Iyan naman ay kung talagang nagmamalasakit at may tiwala pa sila sa administrasyon.
Evidently, lumalawak ang bilang ng mga opisyal at kawal ng Hukbo na dismayado na sa administrasyong Arroyo. Umamin na ang mga pugante sa pamamagitan ng ipinadalang mensahe via e-mail na may insiders na tumulong sa kanilang pagpuga mula sa kanilang detention cell.
Ito ay isang masamang pagsalubong sa bagong taon ng administrasyong Arroyo. I think we are being drawn farther and farther away from the possibility of unity and reconciliation.
Sa kanilang mensahe, sinabi ng mga puganteng junior officers na sina Capt. Nathaniel Rabonza, 1st Lt. Lawrence San Juan, Sonny Sarmiento at Patricio Bumidang Jr. na bibitin-biting parang tabak ni damokles sa ulunan ng administrasyon ang isang bagong banta ng kudeta.
Panahon na siguro para magsagawa ng loyalty check sa hanay ng militar si Presidente Arroyo. Kung sino ang mapapatunayang disloyal sa administrasyon - sibakin ora mismo.
Kaya lang, baka ang kalabasan nitoy wala nang matirang opisyal at tauhan ang militar. Baka lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended