^

PSN Opinyon

Parañaque City police puwede na kayang Best Police Station? He-he-he!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAKIPAGKARERA noong Miyerkules sina Oye Santos at Ronald Viscarra sa mga miyembro ng pulisya na nagsagawa ng malawakang raid laban sa video karera nila sa Parañaque City. Parang mga daga sina Santos at Viscarra na nakipag-unahan para iligpit ang kanilang mga makina habang hinahanap ng mga tauhan ni Supt. Ronald Estilles, ang hepe ng Parañaque police, ang mga ito at kumpiskahin.

Ayon sa suki ko, marami ring makina ang nakulimbat ng kaibigan kong si Estilles. Pero siyempre pa, marami rin ang nailigpit nina Santos at Viscarra dahil mukhang naabisuhan din sila. Moro-moro lang ang raid? Tiyak ’yun, dahil sa lingguhang intelihensiya nina Santos at Viscarra, marami sa hanay ng kapulisan natin ang may mga utang na loob sa kanila.

Sa ngayon, tigil muna ang video karera sa kaharian ni Mayor Jun Bernabe. Pero nagpaikot na rin ako ng mga suki sa kaharian ni Bernabe para arukin kung talagang malinis na ang siyudad niya ng video karera nina Santos at Viscarra. He-he-he! Maaari ko na bang sabihin na in the bag na ang paghirang na Best Police Station ang Parañaque City police natin, ha NCRPO chief Dir. Vidal Querol?

Kung sabagay, matagal ko nang binibira ang video karera sa siyudad ni Bernabe pero nagbingi-bingihan lang siya. Kung hindi dahil kandidato ang pulisya niya sa Best Police Station, eh hindi pa niya napansin ang mga problemang dulot ng video karera. Kung nahinto naman ang salot na video karera sa Parañaque, aba, hindi naging kawalan ito para kay Oye Santos dahil meron pa rin siyang mga makinang nakalatag sa Malabon. Pero dahil kulelat naman sa award na Best Police Station ang trono ni Supt. Moises Guevarra, tiyak hindi siya kikilos. Ang financier kasi ni Santos doon sa Malabon na si Len Oreta, na kapatid ni Mayor Canuto Oreta ay hindi kayang tinagin sila ni Guevarra. Kung sabagay, hindi baleng hindi kasali sa search ng Best Police Station ang Malabon basta magkalaman lang ang bulsa nina Guevarra at magkapatid na Oreta OK na, di ba mga suki?

Teka muna, totoo bang mayroon ding nakalatag na makina sa Malabon ang kaibigan kong si Randy Sy? He-he-he! Sobrang buwenas talaga ni Guevarra. At dahil wala ring binatbat si Supt. Rosendo Franco, hepe ng Pasay City police, tiyak patuloy din ang pamamayagpag sa siyudad niya ang video karera nina Bebet Aguas, alyas Raymond at Insp. Luciano, Panay gerilya ang operations nina Aguas, Raymond at Luciano na ang ibig sabihin mga suki, pili lang ang binibigyan nila ng lingguhang intelihensiya. Kaya tulad ni Guevarra, hindi rin kikilos si Franco para masawata ang operation nina Aguas, Luciano at Raymond dahil hindi naman siya kandidato ng best-best ng NCRPO. Wala kasing ginagawa si Franco kaya kulelat!

Si Chief Supt. Nicasio Radovan, ang director naman ng QCPD, ay kandidato sa pagiging CIDG chief kaya’t pansamantalang hindi makagalaw ang sindikato sa video karera na pinamumunuan ni Perry Mariano at katiwala niyang si Lando. Kapag naanunsiyo na kung sino ang CIDG chief o dili kaya itong si Radovan ay maiakyat ng puwesto tiyak, maglalatag na naman ng makina nila itong mga alipores ni Perry Mariano, di ba mga suki? Abangan!

BEST POLICE STATION

GUEVARRA

KARERA

LUCIANO

MALABON

OYE SANTOS

PARA

VISCARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with