Komisyon ng broker
January 19, 2006 | 12:00am
HINILING ni Ben sa kanyang pinsang si Flora na maghanap ito ng bibili ng 17 ektaryang plantasyon ng mangga na kanilang pag-aari sa halagang P2.2 milyon. Nasamsam ng Rural bank.
Kinausap ni Flora si Cita, isang lisensyadong real estate broker tungkol sa kahilingan ni Ben. Subalit gusto ni Cita na gumawa si Ben ng isang kasulatan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang masimulan ang pagbibili dahil mayroon na siyang kakilalang negosyanteng interesadong bumili ng plantasyon ng mangga si Mr. Go.
Noong September 3, 1986, inisyu ni Ben ang kasulatan ng kapangyarihan. Ayon sa kasulatan, sina Cita, Fina, Flora at Marie ay maghahanap ng bibili para sa 5 percent komisyon na ibabayad sa kanila ni Ben. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Cita, agad niyang sinabi kay Mr. Go na nakahanap na siya ng plantasyon ng mangga na maaari nitong bilhin.
Isang araw, tinawagan ni Go si Cita upang hingin ang eksaktong lokasyon ng plantasyon at ang direksyon patungo rito. Pinayuhan din ng grupo ni Cita si Go na kausapin si Tessie, ang manager ng Rural bank at anak ni Ben.
Makalipas ang tatlong linggo nang maipasuri ni Go sa isang agriculturist ang mga puno ng mangga, ipinaalam ni Go kay Fina na binili na niya ang plantasyon kung saan nakapagbigay na ito ng P1 milyon bilang paunang-bayad. Ayon pa kay Go, ang balanseng P1.2 milyon ay mababayaran pagkatapos maayos ang mga papeles ng kompanyang kanyang itinatayo.
Nagulat si Go nang malaman niyang hindi pa naibibigay ni Ben ang komisyon ng grupo ni Cita. Samantala, nang maisagawa na ang Deed of Sale ng plantasyon, hiningi ng grupo ni Cita ang 5 percent nilang komisyon mula kay Ben at sa Rural Bank subalit tumanggi sat inalok lamang sila ng P5,000 bawat isa. Ayon kay Ben at sa Rural Bank, hindi raw "procuring cause" ang grupo ni Cita sa pagkakabenta ng plantasyon at wala rin silang ginawang aksyon ng pakikipag-negosasyon. Tama ba si Ben at ang Rural Bank?
MALI. Maituturing na "procuring cause" ng pagkakabenta ang grupo ni Cita dahil sila ang dahilan at pinagsimulan upang makahanap ng interesadong bibili ng plantas- yon ayon sa hinihinging kondisyon ni Ben. Walang anumang anunsiyo ang inilabas para sa pagbibili ng plantasyon at wala ring kapangyarihang ibinigay si Ben sa iba pang broker kundi sa grupo lamang ni Cita.
Bukod dito, ang kasulatan na inisyu ni Ben ay hindi nagbibigay ng obligasyon sa grupo ni Cita na makipagnego-sasyon. Malinaw na nilalayon lamang ng sulat ang pagbibigay ni Ben ng 5 percent komisyon sa grupo ni Cita kapag nakahanap ang mga ito ng interesadong bibili ng plantasyon. Ang grupo ni Cita ang dahilan kaya nagtagpo sina Go at Ben at ang Rural bank. Pagkatapos nito, ang kikitain ng grupo ni Cita ay hindi nakasalalay sa anumang napagkasunduan nina Go at Ben. At dahil naging kasangkapan ang grupo ni Cita, may karapatan sila sa 5 percent komisyon (Medrano vs. Court of Appeals, et. al. , G. R. 150678, February 18, 2005, 452 SCRA 77).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended