Comelec ayusin na
January 16, 2006 | 12:00am
NAGSASALU-salubong ang mga kaganapan. Ayon sa huling survey, 54% ng Pilipino ang pabor sa linya ni dating Pangulo Fidel Ramos na magbitiw si Gloria Arroyo sa 2007. Dumarami rin sa survey ang mamamayang nais magbago agad ng Konstitusyon. Samantala, naglinawan na sina Ramos at Arroyo sa isyu ng No-El (no elections sa 2007 at pagpapalawig ng termino ng lahat ng opisyal hanggang 2010): kontra si Ramos dito at pinauubaya ni Arroyo sa Kongreso ang usapin. Sinimulan naman isingit ng Kamara de Representantes ang mga suhestiyon ng Consultative Commission sa sarili nitong inaakdang Konstitusyon. At nagsimula nang mangalap ang Union of Local Authorities ng 5 milyong lagda para himukin ang Senado na sumali sa pagbabago ng Konstitusyon.
Malinaw ang patutunguhan ng mga ito. Magkakaroon ng dalawang eleksiyon. Una, sa taong ito, magpe-plebisito para iratipika ang bagong Konstitusyon. Ikalawa, sa 2007, matutuloy ang halalan ng local officials, at malamang din ang para sa bagong parliamento.
Isa na lang ang kulang sa equation: Linisin na ang sistemang halalan.
Duda ang madla sa kasalukuyang Commission on Elections. Ito ang Comelec na nagbunsod kay Virgilio Garcillano. Ilegal man ang paghalaw sa Garci Tape, pero hindi na ito isyu. Narinig na ito ng madla, at nagpasya na silang masama ang sitwasyong tinatawagan ng malalaki at maliliit na politico ang Comelec para impluwensiyahan. Lumakas pa ang pasyang ito nang aminin ni Garci na kinontak siya ng 30 kandidato ng Administrasyon at Oposisyon sa gitna ng bilangan nung 2004.
Ito rin ang Comelec na nagwaldas ng P1.3 bilyon sa automation na hindi naman naganap (dahil pina-void ng Korte Suprema ang maduming kontrata). Ito ang Comelec na nagwaldas ng P1 bilyon pa sa fingerprinting at photo-graphing ng milyon-milyong botante para sa ID cards na hindi naman natupad. Ito ang Comelec na gumulo ng precinct assignments nung 2004 kaya 2 milyon ang hindi nakaboto.
Walang tiwala ang madla sa kasalukuyang Comelec. Kung nais maging kapani-paniwala ang resulta ng dalawang darating na eleksiyon, dapat magtatag ng bago at tunay na independiyenteng Comelec.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended