^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Umaarangkada ang sunog!

-
SA Marso pa ang Fire Prevention Month pero mas mainam yata kung gawin na lang itong January. Sa pagpasok ng 2006, ilang sunog na ang naganap at marami na ang nasayang na buhay. Sa dalas ng mga nangyayaring sunog, hindi maiwasang maalala ang mga nangyaring sunog na pumatay nang maraming tao.

Pinakamagandang halimbawa ay ang Ozone tragedy kung saan mahigit 100 katao ang namatay karamihan ay mga estudyanteng nagsisipagsaya dahil sa katatapos lamang ng kanilang graduation. Masakit ang alaala ng Ozone pero magandang pambukas ng isipan sa mga may-ari ng establisimiyento na lagyan ng mga fire exits ang kanilang mga gusali. Sa Ozone tragedy, lumitaw na walang fire exits ang nasabing building. Nagkaroon ng pagpapanik ang mga kostumer at naging dahilan para sila ma-trap sa nasusunog na bahay-aliwan.

Madugo ang pagsapit ng 2006 sapagkat ilang sunog na ang naganap gayong 11 araw pa lamang nakararaan. Noong Linggo ng madaling-araw, isang sunog ang naganap sa P. Campa St. Sampaloc at walong katao ang namatay, karamihan ay mga estudyante. Hindi pa mabatid ang dahilan ng sunog pero sinabi ng mga awtoridad na sigarilyo ang pinagsimulan ng lahat kaya naabo ang boarding house.

Kamakalawa dalawa ang namatay sa isang sunog na naganap sa Bgy. Palanan, Makati. Hindi umano nakalabas ang mag-ina sa kanilang kuwarto kaya nasunog. Masuwerte namang nakaligtas ang iba pang bata sapagkat mabilis silang nakalabas sa bahay. Ang nangyaring sunog ang kauna-unahan umano sa Makati ngayong 2006 at kauna-unahan din na madugo at kakila-kilabot.

Sa nangyaring sunog sa Ozone noon ay maraming opisyales ang nagturuan. Itinuro ang mga nag-iisyu ng building permit. Ganyan ang senaryo pagkatapos ng trahedya. Ang pagtuturuan ng mga opisyales kapag nangyari na ang tragedy ay hindi na kataka-taka.

Ngayo’y lumulutang at kinukuwestiyon kung may permit ang boarding house na nasunog sa P. Campa St. Hindi pa lumulutang ang may-ari ng boarding house. Tinitingnan kung nagkulang ang may-ari sa paglalagay ng mga fire exits sa nasabing boarding house.

Kapag may nangyari nang malagim saka lamang nakikita ang kamalian at mga pagkukulang. Kailan matututo ang mga opisyal at ang taumbayan na rin para hindi na maulit ang malalagim na sunog na umaarangkada na ngayon.

vuukle comment

BGY

CAMPA ST. HINDI

CAMPA ST. SAMPALOC

FIRE PREVENTION MONTH

GANYAN

MAKATI

NOONG LINGGO

SA OZONE

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with