Subalit, sa kabila ng mga naunang imbestigasyon ng mga alagad ng batas ay patuloy pa ring hinahanap ng pamilya Cruz ang hustisya para kay Ding.
Isang dahilan ay ang kawalan ng karagdagang ebidensiya at ang kaukulang impormasyon o tip upang matukoy ang taong nasa likod ng krimen.
Malaki ang maitutulong ng anumang tip o impormasyong maibibigay ng sinumang may nalalaman o nakasaksi ng pagpatay kay Ding Cruz upang patuloy na maimbestigahan ang kaso.
Isa ang kaso ni Ding Cruz sa mga tinutukan ng BITAG nitong taong 2005 at tinuturing ng na "unsolve case", dahil sa kakulangan ng mga kaukulang mga ebidensiya at kawalan ng mga saksi.
Patuloy na umaasa ang naiwang maybahay ni Ding na si Edna sa magiging kalutasan ng kaso ng kanyang asawa lalo pat nasa kamay na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ni Ding.
Sisiguraduhin ng BITAG na pangangalagaan ang pagkakakilanlan ng sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagpatay kay Ding upang maprotektahan.
Sa sinumang may nalalaman sa kaso ni Ding ay makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng BITAG o tumawag sa teleponong 932-53- 10/932-89-19 at sa 0918-934-64-17 o di kaya ay sa tanggapan ng National Bureau of Investigation.
Patuloy na nakatutok ang BITAG sa kaso ng pagpatay kay Ding Cruz upang makamit nito ang matagal na hinihintay na hustisya.