^

PSN Opinyon

Ang diabetes ay hindi nakukuha sa pagkain ng matatamis

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PINABULAANAN ng diabetologist na si Dr. Celia Talusan na sa pagkain ng sobrang matatamis kaya nagkaka-diabetes. Sinabi rin ni Dr. Talusan na ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo ay makabubuti para maiwasan ang diabetes.

Sinabi niya na sa United States ay maraming na-diagnosed na may diabetes dahil sa sobrang katabaan at karamihan sa mga bagong kaso ay dulot ng kakulangan sa pag-eehersisyo.

Pabalik-balik si Dr. Talusan sa US sapagkat ang kanyang mister si Dr. Antonio Talusan ay naka-base sa Texas.

Sa pakikipag-interaction ng mag-asawa sa iba’t ibang international doctors nabatid nila na mahalaga ang exercise gaya ng paglalakad, pagsasayaw, gardening, paglalaro ng bowling at iba pang physical activities para maiwasan ang diabetes. Napatunayan na sa mga kaso ng overweight ay hirap ang katawan nilang tumanggap ng insulin.

Ipinapayo sa kanila ang low fat diet. Mapupuna na maging ang mga taong umeedad ng 20 anyos pataas ay nagkaka-diabetes na nauuwi sa pagkabulag, kidney failure, sakit sa puso at stroke.

DIABETES

DR. ANTONIO TALUSAN

DR. CELIA TALUSAN

DR. TALUSAN

IPINAPAYO

MAPUPUNA

NAPATUNAYAN

PABALIK

SINABI

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with