^

PSN Opinyon

Hamon kay SC Chief Panganiban

- Al G. Pedroche -
PANAHON na para repasuhin ng Mataas na Hukuman sa pamumuno ngayon ni Chief Justice Artemio Panganiban ang dalawang magkasalungat na desisyon ng board of governors ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) tungkol sa isang kasong administratibo laban sa dalawang abogado na binuhay matapos madismis dalawang taon na ang nakalilipas.

Kamakailan, kuwestyonableng inatasan ng 3rd Division ng Supreme Court ang IBP board of governors na muling buksan ang isang administrative case na nauna nang idinismis ng naturan ding division noon pang Marso 2002.

Katakatakang binaligtad ng 3rd division ang sarili nitong desisyong nagdismis sa kasong iniharap ng tagapagmana ng isa sa mga kilalang crony ni ex-president Marcos laban sa mga abogadong sina Luis Lokin Jr. at Salvador Hizon. Hindi tayo nagtatanggol sa kanino mang tao. Ang pinag-uusapan ay ang pagtalima sa mga alituntuning dapat sundan sa pagpapatupad ng batas. Ayon kasi sa maraming abogado, taliwas ito sa doktrina na "res judicata". Sa ilalim ng doktrinang ito, ang isang naunang desisyon ng korte ay tumatayong hadlang para sa muling paglilitis ng kaparehong kaso.

Salungat sa doktrinang ito, itinuloy ng 3rd division ng SC ang pagbubukas muli ng kaso. Walang paliwanag kung bakit hindi sinunod ang "res judicata."

Ayon sa mga legal experts, ang SC ay nakikialam lamang sa ano mang desisyon ng IBP kung ito ay matatawag na kasong of national interest and importance at hindi sa mga isyu sa simpleng pagdisiplina sa mga abogado.

Malamang, kamot-ulo na lang ang mga IBP governors at hindi maintindihan kung bakit nanghimasok ang SC para mabuksan muli ang kaso na matagal nang sarado. Nakapagtataka rin kung bakit binigyang pansin ng SC ang mga alegasyon ng anomalya tungkol sa ginawa ng IBP board of governors na hindi na- man beripikado.

Nagsimula ang problema matapos na ang isa sa mga abogado para sa complainant (isang kila-lang black propaganda expert) ay ma-appoint bilang isa sa mga komisyunado ng IBP committee on bar discipline. Siya at ang isa sa kapartner sa isang law office ay nagkataong tumatayo bilang star witnesses ng complainant laban sa respondent sa unang reklamong inihain sa IBP.

Sa pamunuan ni Chief Justice Panganiban, dapat siguro’y irepaso ang kasong ito para hindi mabatikan ang integridad ng Korte.

AYON

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

CHIEF JUSTICE PANGANIBAN

IBP

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

LUIS LOKIN JR.

SALVADOR HIZON

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with