^

PSN Opinyon

Migration solusyon sa lumalaking populasyon

- Al G. Pedroche -
NAKAKABAHALA ang mabilis na paglobo ng populasyon. Ayon sa Commission on Population (PopCom) inaasahang sa taong ito ay aabot sa 85.7 ang bilang ng mga Pilipino.

Problema ito lalu pa’t hindi masyadong maganda ang performance ng ekonomiya, Darami ang sakit ng ulo ng gobyerno. Lalung sasahol ang karalitaan. Ngayon pa lang ay hindi na matugunan ng gobyerno ang pangangailangan nang marami sa edukasyon, kalingang medikal, pabahay, trabaho at iba pa. Ano pa kaya kung dumoble pa o maging triple ang dami ng mga tao sa malapit na hinaharap?

Sa kabila nito, marami ang sumasalungat sa mga programang naglalayong pabagalin ang paglago ng populasyon. Nangunguna na rito ang simbahan. Masyadong sinusunod ang tagubilin sa Bibliya na "humayo kayo’t magparami." Di yata naoobserbahang hindi lang tayo marami kundi napakarami na. Tingin ko’y nakasunod na tayo sa tagubilin ng Diyos nang sobra-sobra. Kung pumapalya ang programa sa population control marahil ay hikayatin na lang ang migration o pandarayuhan sa ibang bansa ng mga Pilipino.

Iyan na nga ang nangyayari ngayon. Di nga ba’t ang mga overseas Filipino workers (OFW) ay itinuturing na "bagong bayani" dahil sa naiaambag nilang dolyares sa ekonomiya ng bansa? Kung magkagayon, eh di pasiglahin pa ang paghikayat sa mga tao na mag-migrate. Katunayan, kung tatanungin mo ang bawat Pinoy, tiyak ko na marami sa kanila ang nangangarap makapag-abroad sa hirap ng buhay sa ngayon. Yung ginhawang hindi nila malasap sa Pilipinas ay handa nilang hanapin sa ibang bansa tulad ng United States of America, Canada, Europa at iba pa.

Kung tutuusin, malaki ang demand sa mga manggagawsang Pilipino dahil sa kanilang husay sa iba’t ibang gawain. Maglunsad na lang ang gobyerno ng programa para lalu pang linangin ang likas na husay na ito at suportahan ang lahat ng may intensyong magtrabaho sa ibayong dagat. In that case, makikinabang lalo ang bansa sa mga ipapasok nilang dollar remittances.

ANO

AYON

BIBLIYA

DARAMI

DIYOS

IYAN

KATUNAYAN

PILIPINO

UNITED STATES OF AMERICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with