^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Alamin ang kalagayan ng mga bilanggong OFWs

-
NAKAKALAT na sa buong mundo ang mga Pilipinong contract workers. Dahil sa kahirapan ng buhay at kabiguan ng gobyernong makapag-create ng trabaho ang dahilan kaya nangingibang bansa ang mga Pinoy. Dekada ‘70 unang nangibang bansa ang mga Pinoy. Sa mga bansang pinuntahan, nangunguna ang Saudi Arabia at magpahanggang ngayon, ang Saudi pa rin ang may pinakamaraming contract workers. Bukod sa Saudi, nakakalat pa ang mga Pinoy sa Japan, Hong Kong, Malaysia, Israel, Singapore, Italy, US, Canada at maraming bansa sa Middle East. Kung walang mga Pinoy contract workers, kawawa ang kalagayan ng bansa sapagkat baka hindi na makaahon sa kadahupan. Ang remittances ng mga OFWs ang nakatulong para makabangon ang ekonomiya. Mula January hanggang August 2005, umabot sa $7 billion ang remittances ng mga OFWs.

Sa pagdami ng mga OFWs, nagsulputan din naman ang mga problema at kabilang diyan ang pagdami ng bilang ng mga nakakulong na manggagawa sa bansang pinagtatrabahuhan. Bawat bansang mga Pinoy ay hindi nawawalan ng mga nakabilanggo. Iba’t iba ang kasalanan. Pero mas matindi kung mabilanggo na wala namang kasalanan at hindi nabibigyan ng tulong ng gobyernong Pilipinas. May mga bilanggong OFWs na napagbintangan lamang o magaan lamang ang nagawang kasalanan subalit matagal na ang inilagi sa kulungan. Hindi mabigyan ng abogado at hindi inaasikaso ng mga pinuno ng embahada.

Batay sa talaan ng Department of Foreign Affairs, may kabuuang 4,775 ang mga Pilipinong contract workers ang nakakulong at 1,103 sa mga ito ay babae. Pinakaraming nakakulong sa Malaysia, 1,200; Israel, 1,028; Japan, 314; Saudi Arabia, 213; Singapore, 192; Kuwait, 47; at Hong Kong, 77. Ibig sabihin, bawat bansang may Pilipinong trabahador ay mayroon ding nakakulong.

Bagong bayani ang tawag sa mga OFWs pero nagiging "bigong bayani" dahil napapabayaan ng gobyerno. Laging pinupuri dahil sa pag-aambag ng tulong na mapaganda ang ekonomiya. Pero hanggang doon lamang sapagkat hindi naman naibibigay ang lubusang tulong sa mga OFWs na inaapi at inaabuso. May mga nabubulok sa bilangguan dahil lamang sa simpleng paglabag sa trapiko o di-kaya’y may nilabag tungkol sa relihiyon. Alamin ang kalagayan ng mga bilanggong OFWs. Bigyan ng sapat na tulong para maialis sa madilim na kulungan na matagal na nilang kinasadlakan. Maraming Pinoy na bilanggo na naging biktima lamang ng pagkakataon. Hindi sila dapat pabayaan.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HONG KONG

MARAMING PINOY

MIDDLE EAST

MULA JANUARY

PILIPINONG

PINOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with