Pagpupugay kay Rizal
December 28, 2005 | 12:00am
KILALA si Zulkarnain bin Hassan sa Kuala Lumpur, Malaysia. Isa siyang mediaman. Buong pagmamalaki niyang sinabi na isinunod niya ang pangalan ng kanyang anak na panganay kay Dr. Jose Rizal. Maraming alam si Zulkarnain tungkol kay Rizal na tinaguriang The Pride of the Malayan Race. Hanga si Zulkarnain sa talino at tapang ni Rizal. Para sa kanya isang genius si Rizal.
Si Rizal ay isang doktor, arketekto, inhenyero, maestro, manunulat, linguistra at marami pang katangian ng isang henyo. Alam ni Zulkarnain na ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang nagsilbing apoy para lumagablab ang damdaming paghihimagsik ng mga Pilipino sa mga Kastila.
Kabisado niya ang mga tauhan ng Noli at Fili maging ang kapanganakan ni Rizal sa Calamba, Laguna, ang pagpapatapon sa Dapitan, ang pagbaril sa Luneta, mga paglalakbay at pakikipagsapalaran ni Rizal sa ibat ibang bansa at ang pakikipag-romansa ni Rizal sa mga babae.
Nakatutuwa na mas maraming alam si Zulkarnain tungkol kay Rizal kaysa ilang Pilipino. Sa paggunita sa Biyernes sa kamatayan ni Rizal bigyang pugay natin ang kanyang kadakilaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended