^

PSN Opinyon

Niños Inocentes

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ay ipinagdiriwang ang Niños Inocentes. Tunghayan natin ang Ebanghelyo sa araw na ito upang maunawaan ang kahalagahan ng araw na ito (Mateo 2:13-18).

Pagkaalis nila, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel. Sinabi sa kanya, "Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egypt ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin." Kaya nagmamadaling bumangon si Jose at dinala sa Egypt ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.


Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, "Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egypt."

Galit na galit si Herodes nang malamang siya’y napaglalangan ng mga Pantas. Kaya ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook —- lahat ng may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas.

Sa gayo’y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: "Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy, tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak. Hindi siya maaaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila."

Isasakripisyo ng taong natatakot mawalan ng kapangyarihan ang sinuman sa inaakala niyang aagaw sa kanyang kapangyarihan. Ang mga batang inosente ang pinagbuhusan ng galit ni Herodes.

Sa pagsusuri sa ating mga sarili, ilan kayang mga inosenteng bata, o di-kaya’y mga may gulang na, ang nasasakripisyo dahil sa takot nating mawalan tayo ng poder, kapangyarihan, puwesto, karangalan at posisyon?

ANAK

BETLEHEM

EBANGHELYO

GALIT

HERODES

INOCENTES

ISASAKRIPISYO

KAYA

PROPETA JEREMIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with