^

PSN Opinyon

Paano namin ipinaaalam na may taning na ang buhay ng pasyente?

WHAT’S UP DOC - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
BUMABATI ako ng Maligayang Pasko sa lahat ng mambabasa ng Pilipino Star NGAYON.
* * *
MAY sumulat sa akin at itinatanong kung paano ko raw sinasabi sa magulang o kamag-anak ng pasyente na may taning na ang buhay.

Bilang oncologist (espesyalista sa cancer) ang pagsasabi sa kamag-anak o sa pasyente mismong may taning na ang buhay ang pinaka-mahirap. Mahirap i-discuss na wala nang lunas ang sakit.

Pero dahil bahagi ito ng aking trabaho, napag-aaralan namin ang mahirap na gawaing ito.

Sa clinical oncology, dumarating ang punto na wala nang pag-asa ang lahat para mabuhay. Imposible na. Sa ganitong pagkakataon ang aming pangunahing tungkulin ay ang pagbibigay ng comfort at pagkontrol sa sakit na nararamdaman para sa pamilya ng pasyente. Ang paghahanda sa pamilya ng pasyente sa nalalapit na kamatayan ay kasama sa aming gawain.

Kasama sa mga dapat i-discussed ang pag-aalis ng life support kung wala nang pag-asa pa ang pasyente. This is a much more difficult decision than not starting life support in the first place. Kapag ang pasyente, pamilya at maging ang doctor ay nagkasundo, reasonable at legal ang pag-disconnect ng resuscitator, pagtigil sa pagbibigay ng cardiac drugs para ma-maintain ang blood pressure at hindi na pagbibigay ng antibiotics.

There is a time to live and a time to die. Nothing oncologists learn in medical school, residency or fellowship teaches us when that time is. Alam namin kung ang sitwasyon ay hopeless na o wala nang paraan pa, ito ay nasa prerogative na ng pasyente at pamilya na gumawa ng desisyon para itigil na ang lahat ng treatment. As oncologists, it is our moral charge to facilitate such wishes.

ALAM

BILANG

IMPOSIBLE

KAPAG

KASAMA

MAHIRAP

MALIGAYANG PASKO

PASYENTE

PERO

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with