^

PSN Opinyon

SEAG championship: A Dream Come True

- Al G. Pedroche -
KUNG tutuusin, ang pagtungo ng buong koponan ng Pilpinas sa Hong Kong para magliwaliw sa HK Disneyland na sinagot ng First Gent Mike Arroyo mula sa pondo ng kanyang sports program ay kulang pa sa kagitingang ipinamalas nila para muling mailagay sa mapa ang ating bansa at mabigyang dangal ang Pilipino. Aba, hinakot nila ang pinakamaraming medalya sa 23rd Sea Games at itinanghal na overall champ ang Pinas.

Pero may mga sektor na bumatikos kay First Gent sa kabila nito. In fairness, nanguna si FG para mabigyan ng motibasyon at inspirasyon ang mga manlalaro natin at makamit ang pinakamatayog na karangalan sa katatapos na palaro. Huwag na sanang bahiran ng pulitika ito.

Malaki ang naiambag ng programang "Medalyang Ginto, May Laban Tayo" na inilunsad ni FG. Aniya, para mabuo ang tiwala sa sariling kakayahan ng mga atletang Pinoy, dapat silang udyukang lumahok sa mga pandaigdig na torneo. Kailangan din ang puspusang pagsasanay na dapat buhusan ng sapat na halaga. Pero pobreng bansa ang Pinas. Kailangan ang mga "ninong" para suportahan ang isang sports program to produce world class athletes. Kumbaga, si FG ang "nagpalimos" sa mga donors na dumagsa para ibigay ang kanilang financial support sa programa. Salamat sa mga patrons na sumuporta sa programa. Kahit sadlak sa problemang pang-ekonomiya ang bansa, nagawang itaguyod ang pangangailangan ng mga atleta. FG proved his point.

FG put his program into full gear
nang idaos ang second phase ng kanyang sports program with complete organization structure. Sinundan ito ng Godfather Pledging Session nung December 4, 2004 na lumikom ng kinakailangang pondo para mahasa nang husto ang ating mga isasabak na atleta.

Gusto ni FG na magkaroon ng tig-iisang "ni-nong" ang bawat isa sa mga 41 sports na inilinya sa 23rd SEAG. Kabuuang 800 atleta ang nakinabang dito. Pagkatapos ng pledging session, nakalikom ng P 150 million para sa paglalabanang 41 sports. Ang San Miguel Corp. ay umampon ng 16 na sports sa donasyong P100 milyon. Ang ibang donors ay ang Smart/PLDT, Lucio Tan Group, PAGCOR, Yuchengco Group, Bank of Commerce, Ernest Escaler, PCSO, Globe Telecom, GMA Network, ICTSI, Aboitiz Group, Megaworld, Nestle, Petron Corp., Samsung, Philam Foundation, Tessie Sy-Coson, SB Cards. Cathay Steel Corp at marami pang ibang Fil-Chi-nese businessmen.

Sana sa hinaharap, patuloy pang sumuporta sa ganitong programa ang mga may kaya. Afterall, ang karangalang matatamo sa panalo ng mga manlalaro ay karangalan nating lahat.

ABOITIZ GROUP

ANG SAN MIGUEL CORP

BANK OF COMMERCE

CATHAY STEEL CORP

ERNEST ESCALER

FIRST GENT

FIRST GENT MIKE ARROYO

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with