^

PSN Opinyon

Hanggang 2007 na lang si GMA

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NAKIKITA ko sa mga kilos at pananalita ni President Arroyo na bumalik na ang tiwala niya sa sarili. Wala na kasing mga asungot na sumisigaw nang "Resign Gloria". Naturete siya noon nang ang mga kaalyado niya at mga dating kakampi ay pinagbibitiw siya.

Pati mga binigyan niya ng magaganda at maimpluwensiyang mga posisyon sa gobyerno ay pinalalayas siya sa Malacañang.

Kapansin-pansin nga ang paglubay sa mga panawagan kay GMA na mag-resign. Humupa ang galit ng mga kalaban ni President Arroyo.

Sa palagay ko, sang-ayon si President Arroyo sa planong Charter change ni dating President FVR at ni Speaker Joe de Venecia. Kasama sa plano ay ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno. Mula sa presidential ay magiging parliamentary. Ang magpapatakbo ng pamahalaan ay prime minister. Sa pagkaalam ko, puma-yag na si President Arroyo na iklian ang kanyang termino. Sa halip na 2010, hanggang 2007 na lamang siya.

Sa tingin ko, matutuloy ang pagbabago ng Konstitusyon ayon sa plano nina FVR at JDV na sinasang-ayunan naman ni President Arroyo. Narinig ko, ayos na raw lahat sa Kongreso pero may narinig din naman akong malabong-malabo pa ito sa Senado. Hindi raw papasa sa mga senador dahil mawawala na sila sa mundo. Magiging katulad na rin sila ng mga kongresista na ordinaryong miyembro ng parliament. Iniisip ko kung ano ang mangyayari kay GMA.

vuukle comment

HUMUPA

INIISIP

KAPANSIN

KASAMA

KONGRESO

KONSTITUSYON

PRESIDENT ARROYO

RESIGN GLORIA

SPEAKER JOE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with