^

PSN Opinyon

Maligayang pagtatagpo

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAPAG ang isang kaibigan o kamag-anak na minamahal ay matagal na nating hindi nakikita, at pagkatapos ng ilang panahon ay magkita muli, napakasaya ng ating pakiramdam! Lalo na kung ang kaibigan o kamag-anak na iyon ay may dalang mabuting balita o may magandang kapalarang sinapit.

Ganoon din kalugud-lugod ang pagtatagpo ni Maria, Ina ni Jesus, at ng kanyang pinsang si Elisabet (Lk.1:39-45).

Hindi nagtagal at si Maria’y nagmadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, "Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!"


Ang kapalaran nina Elisabet at Maria ay magkatuwang. Ang una ay nagdalantao sa kabila ng kanyang katandaan at ang kanyang dinadala ay si Juan Bautista na maghahanda sa daraanan ng Panginoon. Ang huli nama’y pinagpalang maging Ina ng Diyos at sa pamamagitan niya si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay magiging isang tao.

Sa ganitong kaligayahang pagtatagpo, nadama at puspos ang dalawa ng kapayapaan —- kapayapaang dulot ng presensiya ng Diyos sa sinapupunan ni Maria.

Ang atin din bang presensiya sa ibang tao ay nakapagdadala ng kapayapaan? Ilang araw na lang at Pasko na. Nawa’y sumaatin lahat ang Kapayapaan at si Jesus,

ANAK

DIYOS

ELISABET

ESPIRITU SANTO

GANOON

ILANG

INA

JUAN BAUTISTA

JUDA

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with